Chapter 32

3.7K 60 35
                                    

JEREMIAH

"Hoy, Jm! Tama na nga ang drama diyan! Tignan mo, oh! Ang taas taas pa nung sikat ng araw para magmukmuk ka diyan! Mamaya nalang ulit gabi, mag enjoy ka muna ngayon! tara na swimming tayo, dali!"

Inis at kunot noong nilingon ko ang pinanggalingan nung nakakairaitang boses na iyon sa kung saan. Inis na napairap agad nung makita ko ang nakapamewang na si Russell mula sa hindi kalayuan mula dito sa puwesto ko.

Narito nga pala kami ngayon sa isa sa mga private resort ng mga juarez upang magbakasyon, isang linggo lang ang bakasyon namin dito, siguro pang limang araw na namin ngayon dito kaya talagang halos lahat sila, maliban sa akin ay sinusulit talaga ang pagkakataon, kahit nga yung gaga kong kapatid na may regla pa ngayon ay hindi na din nakatiis pa at panay na ang langoy ni gaga.

Sumakit sana ng malala yung puson niya.

"Sige, susunod ako mamaya." walang gana kong sabi sa kaniya, nakita ko naman na napabugtong hininga ito at tumangong nginitian ako.

"Sure ah? Sunod ka mamaya, aantayin kita." walang ganang tinignan ko siya ng ilang segundo bago walang ganang tumango.

Napailing naman siya, mukang may gusto pa siyang sabihin ngunit hindi na siya nagsalita pa at ngumiti muna ulit bago na ako talikuran para pumunta doon sa mga kasama naming magsasaya.

Mapait akong napangiti habang pinapanood silang nagsasaya ngayon sa may tabing dagat, kaniya kaniya silang bebe habang naghaharutan, nagtatawanan. Si Russell ayon nakiepal nalang sa bebetime ng iba.

Gusto ko ding maging masaya na katulad nila ngayon, gusto kong ngumiting muli yung walang halong pilit, gusto kong gumaan yung pakiramdam ko kahit papano ngunit alam kong malabo iyon dahil magagawa ko lang siguro ulit na ibalik ang buhay ko sa dati kung makakalimutan ko siya. Hindi ko kaya, iniisip ko palang na kalimutan nalang siya ay hindi ko na matanggap. Limang taon na pero hindi pa, hindi ko pa talaga kaya at mukang habang buhay kong hindi kakayanin. Gustuhin ko man, pilit parin akong binabalik sa nakaraan.

Ang hirap tanggapin, bakit naging ganito?

Mas gugustuhin ko pa sigurong malayo nalang siya sa akin kesa naman na ngayong wala na talaga siya, hindi ko talaga siya makikita pang muli, hindi ko na mayayakap at mahahalikan pa. Napakasakit lang.

Nararamdaman kong namamasa na naman ang aking mga mata kaya malalim na napabugtong hinga ako at tumingala upang hindi bumagsak ang nagbabadyang luha. Bahagya akong napaigtad nung biglang may yumakap sa akin mula sa aking gilid, napangiti naman ako ng maliit nung makita ko ang cute na cute na bata na nasa tabi ko na pala nang hindi ko namamalayan.

"Namimiss niyo po ulit ang mommy ko?" inosenteng tanong nito sa akin, hindi ko mapigilang mapakagat labi dahil hindi ko talaga maitatanggi na kamukhang kamukha niya talaga ang mahal ko.

Yes, siya yung akala at kinilala ni Lenesha na pamangkin lang niya, hindi ko alam kung paanong nangyari pero ayon kay Sazch, ito daw ang tunay na anak ni Lenesha at yung batang pinatay nung demonyo niyang pamilya ay anak nung pinsan niya. Napaka demonyo talaga nila.

Hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon na malaman ni Lenesha na buhay ang anak niya.

Sana ako nalang, sana hindi nalang siya.

"Yes, baby Chris. Miss na miss ko na ang mommy mo." kita kong napangiti siya sa aking sinabi.

Gusto kong maiyak ngayon sa harapan niya ngunit pinigilan ko, nakikita ko si Lenesha sa kaniya, halos parehas na parehas sila pati na sa pag ngiti. Boy version niya ang anak niya.

"Sure po akong miss na miss ka na niya din po mommy, Mau." nginitian ko siya ng maliit at niyakap siya.

Medyo gumaan naman kahit papano ang pakiramdam ko ngayon dahil nandito sa tabi ko si baby Chris at panay ang kwento niya, kahit papano ay napapangiti at napapatawa niya ako. Meron paring naiwan sa akin, isang napakagandang biyaya.

You Belong With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon