Chapter 23

6.6K 316 257
                                    

Jeremiah

Narito ako ngayon nakaupo dito sa may sala habang walang kagana-ganang nakatulala lang ngayon sa aking pinapanood na palabas na drama sa tv. Actually, wala naman talaga akong naiintindihan na kahit ano sa aking pinapanood ngayon dahil wala naman talaga doon ang aking buong atensyon.

Naglaklakbay na kasi ang isipan ko ngayon sa kung saan-saan. Ang daming naiwan na katanungan sa aking isipan na hanggang ngayon ay hindi ko na ata alam pa kung may kasagutan pa ba.

Ang hirap. Sobrang hirap para sa akin na magmove forward kung iniwan lang ako ng punong puno ng katanungan. Naiwan na naman ako na punong puno ng katanungan. What if ganito, what if ganyan, bakit ganito, bakit ganyan, anong problema? Anong nangyari?

Bakit ganito na naman ang nangyayari?

Hindi ko na alam... Hindi ko na alam pa kung ano ba ang dapat na aking maramdaman sa lahat lahat ng nangyayari ngayon. Masyado na akong napapagod ngayon to the point na kahit ang mismong sarili ko ay nahihirapan na akong intindihin pa. Nakakapanghina... Nakakapagod pero hindi naman ako pwedeng sumuko nalang. Kailangan ko siyang bawiin ulit sa kanila.

Hindi ko lang alam kung paano at saan ako magsisimula.

Mahal ko... Kailangan kita ngayon...

"Jm, anak?"

Malalim na napabugtong hininga nalang ako ng marinig ko ang malambing boses na iyon, agad na naramdaman ko rin ang dahan dahan na pag upo na nito sa aking tabi. Napailing nalang ako sa aking sarili bago walang gana na nilingon na si papa.

"P-Papa..." nautal pa ako dahil parang may kung anong bumara sa lalamunan ko at agad na naramdam ko rin ang pamamasa ng aking mata.

Malungkot na tinitigan naman ako nito at agad na umamba sa akin ng yakap kaya napangiti pa muna ako ng mapait sa kaniya bago mabilis na tinawid ang distansya naming dalawa at yakapin siya ng mahigpit.

Naramdaman ko agad ang malambing na pagyakap ni papa sa akin pabalik. Marahan na rin nitong hinahaplos-haplos ang aking likuran kaya naman hindi ko na mapigilang mapaluha na hanggang sa naging mahihinang hikbi na iyon.

Narinig ko naman ang malalim na bugtong hininga nito at mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa akin. Naramdam ko naman na hinalikan pa nito ng malambing ang aking sintido.

"Shh... Tahan na, baby damulag ko. Bahala ka nga diyan... papanget ka lalo niyan--" natatawang napahinto agad sa kaniyang pang aasar sa akin ng gigil na gigil na kinagat ko ang balikat niya.

Maarte naman na napatili pa ito ng malakas at animong naiinis na sinabunutan nito ang buhok ko upang mailayo ako sa kaniya. Lihim nalang ako na natawa ng agad na bumugad sa akin ang nakanguso niyang nguso.

"Mapanakit kana ah! Hindi naman porket sadgirl ka--"

"Papa naman ee!" naiinis na ungot ko agad sa kaniya ngunit hanggang ngayon ay patuloy parin ako sa aking pagluha.

Natawa naman ito ng mahina sa akin bago niya nakangiting pinunasan na ang pisnge ko na puno na ng mga luha ko. Napakagat labi pa ako ng makita kong nangingilid na din ang luha nito.

"Biro lang naman... Halika nga! Pagyakap naman ulit si papa mong mas maganda pa sayo." kunyaring napairap nalang ako at naiiling na niyakap ulit siya ng mahigpit.

Napangiti nalang ako ng maramdaman ko ang mahigpit na yakap din nito sa akin kaya mas isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya.

Naging tahimik naman kaming dalawa ni papa ng ilang sandali habang pikit mata ko pang dinadama ang mga haplos niya sa aking ulo.

You Belong With Me Where stories live. Discover now