Chapter 4

10.8K 419 277
                                    

"Ang tanga mo parin."

"Bakit ba kasi?! Ano bang mali? Saan ba? Mamaya na ipapasa ito tapos ayaw mo paring sabihin kung anong mali!"

Inis na nilingon ko ang walanghiyang gunggong na nasa likod ko, nakita kong nakangisi na itong nakasilip sa papel na sinasagutan ko ngayon bago siya naiiling na naupo sa seat niya.

"Hindi pa naman ako ganon kabobo kagaya mo pero alam kong mali talaga yang solution mo." ngisi ngisi pang pang aasar nito sa akin

"Saan ba kasi ako nagkamali?" naiinis na ungot ko pa.

Salubong ang kilay na tinignan ko naman ang gunggong na si Eq ng marinig ko ang mahinang tawa nito. Nakangisi at abala na ito ngayon sa pagkakalikot sa cellphone niya. Kanina pa niya kasi talaga ako inaasar na mali daw ang solution ko sa mathematics. Nakakainis lang kasi, pwede naman niyang pakopyahin nalang ako diba?

Ang sama talaga ng ugali, may pinagmanahan talaga pero hindi ko sasabihin kung sino..

Peri dahil mapilit kayo...

Itago nalang natin sa pangalang JEREMIAH hehe.

"Hoy! Saan nga kasi ako nagkamali?!" naiinis na ungot ko ulit at binato siya ng papel sa mukha.

Inis naman na tinignan ako nito bago ako matalim na irapan at ibato muli sa akin pabalik ang papel na binato ko sa kaniya. See? Masama talaga ang ugali.

"Sa pagpili ng taong mamahalin mo, dun ka nagkamali."

Inis na napairap naman ako dahil sa sinabi niya kaya naman narinig ko na naman ang nang aasar na tawa nito.

"Gago! Hindi naman maling tao ang mahal kong si Jer--"

"Ay, di mo sure." nakangising sabat agad nito sa akin.

"Oh, talaga ba?" naiinis na pinakyuhan ko pa ito dahilan upang ako ay tawanan na naman niya.

"Walking redflag ang galawan ni ate, hindi mo ba napapansin or talagang nagpapakatanga ka lang?tapos alam mo ba, tamad din siyang magshave, like--iwww, kadiri!" maarte pa itong ngumiwi sa harap ko.

Napangisi naman ako bago tumayo at iniikot paharap sa kaniya ang aking upuan. Napaka arte, akala mo naman kung sinong napakalinis ang buong pagkato. Pokpok naman.

Nakangising umupo ulit ako ng maiayos kona ang aking upuan bago mayabang na tinignan siya. Nakita ko namang napabaling din ang atensyon ni Mareng Silviana the sungit sa amin na katabi ngayon ni Eq dry.

"So, ano naman? Ikaw nga nags-shave pero pang one night stand lang ee--like, iww! Hindi na virgin! Marupokpok kasi!!"

"Aba--gago!"

Agad na napatayo ako at natatawang napatakbo palayo kay Eq dahil napakasama na ng tingin nito sa akin na animong anytime ay handa nang pumatay. Nang aasar naman na kinindatan ko lang siya ngunit natawa nalang ulit ako ng pakyuhan ako ng gunggong.

Asar talo ang Eq dry.

"Marupok-"

"Ulol kaba?!" naiinis na bulalas na naman  nito sa akin.

Tinawanan ko naman siya ng malakas kaya inis na inis na napairap ito sa akin.

"Ano ka ngayon, ha? Masakit bang masampal ng katotohanan? Masakit? Awww.. Wawa naman ang Eq dry, iiyak na." pang aasar ko pa.

Nakangising nailing naman si Silviana sa akin samantalang si Eq ay halos mamula na sa galit habang nakatingin sa akin. Oh, sorry mameh? Hahaha.

"Tanginamo! Mamatay kana!" inis na sigaw pa nito at nagdadabog na umiwas ng tingin sa akin.

You Belong With Me Where stories live. Discover now