Chapter 30

8.5K 168 163
                                    

"Hey, what's wrong, hmm??"

"Kinakabahan ako." hindi ko na mapigilang maisatinig ang kanina pa na aking nararamdaman ng muli akong tanungin ni Sazch ng pang lima or higit pa ata roon.

Hindi ko kasi mapigilan ang aking nararamdaman ngayon, masyado na siyang naghahalo-halo na para na akong sasabog nalang bigla. Naroon yung saya, excitement at kung ano ano pa pero ang kakaibang kaba talaga na hindi ko maipaliwanag ang mas nangingibabaw ngayon sa akin.

"I know." rinig ko pa na mahina itong natawa kaya agad na napaangat ang aking tingin sa aming repleksyon sa harap ng salamin.

"I'm seriou-" agad na pinutol nito ang balak kong sabihin kaya hindi ko mapigilang inis na maibagsak ang aking balikat.

"Shhh... Yung nararamdaman mo ngayon? Natural lang yan bebe girl. I have never been through or I am not going through the situation you are in right now, but I know naman kung ano yung nararamdaman mo ngayon. It's natural to be nervous, girl! You're getting married na kaya! My God!" hindi ko mapigilang mapairap sa kaniya at napatitig sa masaya nitong mukha sa repleksyon sa harap ng salamin.

Napailing nalang ako at lihim na natawa dahil ang kulit kulit niya, actually kanina pa siya ganyan na parang akala mo ay siya pa ang mas excited sa aming dalawa. Yung side niya na ganyan? Lumalabas lang yan kapag kaming dalawa lang ang magkasama tapos sa harap ng iba akala mo naman kung sinong matapang at dapat kinatatakutan siya.

"Ang ganda ganda mo ngayon, Jeremiah." animong namamangha pang bulong niya sa akin habang nakatitig rin sa aking repleksyon.

"Ngayon lang?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya kaya agad na nanlaki ang mata ng gaga.

"W-What?! I mean-"

"Ewan ko sayo." kunyari pang nagtatampong nag cross arm ako kaya naman naiiling ibinababa nito ang kaniyang katawan upang mayakap niya ako sa aking likuran.

Nakaupo kasi ako ngayon habang siya naman ay nakatayo lang sa aking likuran kanina, oh anyway.. Yes, ikakasal na ako-i mean kaming dalawa ni Lenesha ngayong araw din na ito mismo. Finally, After 2 years na pag aantay ko sa kaniyang makapagtapos ng pag aaral ay matutupad na din ang pangarap kong maikasal sa babaeng mahal na mahal ko, at hindi ko pagsasawaang mahalin. Alam ko na madami pa kaming pagdadaanan pagkatapos ng kasal namin na ito pero mukang kakayanin naman na namin yun, sa hirap ba naman ng pinagdaanan namin noon? Nako, hampasin ko pa siya ng kawali sa mukha kung iiwan niya pa ako diba.

"Ang arte mo." rinig ko pa ang natatawang bulong ng gaga na nasa sa aking likuran.

Sasagot pa sana ako ngunit agad na napahiwalay ang gaga sa akin ng may kumatok sa pintuan at agad din iyong bukas. Iniluwal noon si mama at papa na may parehong ngiti sa kanilang labi ngunit hindi ko mapigilang mahinang matawa ng makita ko ang mata ni papa na halos maluhaluha pa na animong anytime ay babagsak na ang kaniyang luha.

"Para talagang tanga yang tatay mo, ang arte arte akala mo naman kung ano..." rinig ko ang animong naiinis na sabi ni mama at nakita ko pang inirapan niya ng matalim ang tatay kong nakanganga na sa kaniya bago naiiling na lumapit sa akin.

"Hoy, hoy, hoy! Ang kapal kapal talaga ng mukha mo! Ikaw kaya ang mas maarte sa ating dalawa no! Ang babaeng ito! Masama bang maluha dahil ikakasal na sa wakas ang panganay ko?!" naghihimutok na bulalas pa ni papa kay mama na walang pakielam na sa kaniya dahil nasa akin na ang atensyon nito ngayon.

Nakangiti ng malawak na niyakap ako nito ng mahigpit ngunit parehas at sabay kaming natawa ni papa ng marinig namin ang mahihinang hikbi ni mama. Ganitong ganito rin silang dalawa ng si Elijah naman ang ikasal noon. Napailing nalang ako at tinapik tapik si mama sa kaninang likuran.

You Belong With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon