Chapter 5

9.6K 372 279
                                    

"Ma'am?" nakapalumbaba habang nakangusong tawag ko sa mahal kong professor na abala parin hanggang ngayon sa kaharap niyang laptop.

Mas lalo namang humaba ang aking nguso ng hindi man lang ako nito pinagtuunan ng kahit kunting atensyon, inis naman na napaayos ako ng upo at nagtatampong nag cross arm sa harap niya. Nakakainis!

Actually, kanina pa talaga ako nandito sa office niya at ilang oras na siguro akong nakatitig lang sa kaniya.

Scam si Ma'am, mga ferson! sabi niya may iba daw kaming gagawin kapag nagawa ko ang inutos niya sa akin kanina, pero why naman hanggang ngayon ay parang wala siyang kasama dito sa office niya? Hindi niya kasi ako pinapansin mula nung nakabalik na ako dito!

Malapit na akong mag cry, huhuhu.

"Prof. Montero?" agaw pansin ko ulit dito habang iwinawagayway ang aking isang kamay sa harap niya.

Ngunit gaya ng ginagawa niya kanina ay animong wala parin itong care sa akin. Nakaka hurts kana, ma'am ah! Kapag siya naman ang hindi pinansin, galit na galit at handa na agad manakit!

Ang hirap talagang intindihin ng Professor na ito, mas magulo pa siya sa bulbul ni Mareng Eq ee.

"Mahal? Huhuhu!!! Mahal na medyo love? Hoooyyy! I need your attention na lodi!! Beke nemen!!" naiinis na ungot ko pa ulit dito.

Inis na napakamot nalang ako ng ulo ng makitang kong saglit lang na kumunot ang noo nito ngunit agad din iyong nawala habang hindi parin inaalis ang atensyon niya sa ginagawa niya.

Mag cry na talaga ako na medyo lumuluha.

Basagin ko kaya yung laptop niya tapos palitan ko nalang ulit? Kahit limang laptop pa kapalit basta pansinin lang niya ako kasi kulang na talaga ako sa pansin.

"M-Mameh..." kagat labi at malanding ayaw pansin ko ulit dito.

Matagumpay naman akong napangisi ng makitang kong halos mamula na ang buong mukha nitong nag-angat ng tingin sa akin. Malakas na natawa nalang ako ng bigla ako nitong inis na irapan. Kailangan ka lang palang landiin ee!

"B-Bakit ba?! Istorbo!" inis na bulalas pa nito ngunit lihim nalang akong natawa dahil nautal pa siya.

The great and super terror, Professor Jeremiah Maureen Montero is blushing and stuttering? Wow, just wow!

"What's funny, Villanueva?" taas kilay na tanong nito at bumalik na naman ang walang emosyon sa mukha nito.

"You--i mean wala naman po." nang aasar na nagkibit balikat pa ako sa harap nito.

Sinaman naman ako nito ng tingin kaya agad na naitikom ko ang aking bibig at kunyaring nilibot nalang ang tingin sa loob ng office niya.

Maganda at maaliwalas ang office niya, mabago din kagaya ko--i mean kaamoy niya ang office niya.

Alangan namang kaamoy mo, baka pinagsasaksak na kita ngayon diba?

"Pwede kanang umuwi." rinig ko pang malamig na sabi nito.

Mabilis ko namang naibinalik ang tingin ko sa kaniya dahil dun, napanguso naman ako ng maabutan ko na mataray lang itong nakatitig sa akin. Taray! Hindi naman daw nag s-shave! Hahaha.

"Really?! What?! Pinapauwi mo na talaga ako? Akala ko ba may iba pa tayong gagawin?!" malakas na bulalas ko pa dito.

Tumaas naman ang nito at ilang sandali lang ay naiiling na natawa ito ng mahina na syang ipinagtaka ko.

Lah, happy yarn?

"Sinisigawan mo ba ako?" bumalik na naman ang aura niya sa pagiging mataray.

Monggoloid.

You Belong With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon