Chapter 16

7.4K 337 342
                                    

"Happy anniversary, mahal ko." malawak ang  pagkakangiting bati ko sa aking mahal.

Nakangiting nilingon rin ako nito bago niya kinuha ang aking isang kamay at dahan dahan iyong dinala sa kaniyang labi upang gawaran iyon ng buong pusong pagmamahal na halik.

Narito kami ngayon sa Enchanted kingdom dito sa may laguna, sa totoo lang balak ko sanang isurprise ngayon ang aking mahal dahil matagal na talaga naming gustong gusto makapunta dito sa EK, ang problema nga lang ay palagi naman kaming walang oras at isa pa ay nagtitipid talaga kami pero dahil mahalaga ngayon ang araw na ito para sa aming dalawa ay wala munang tipid tipid. Dito ko siya naisipang dalhin ngayong Anniversary namin ngunit medyo nasira ang plano ko dahil dito rin niya pala ako balak dalhin.

Inabutan na kami dilim ngayon dahil masyado na ata kaming nalibang sa saya, kung ano ano na ring rides ang nasakyan namin na ako lang talaga ang pumipili at ngayon naman ay nandito kami nakasakay sa Ferris wheel.

"Happy anniversary din, mahal. Buti naman at nakakayanan mo pang tumagal sa ugali ko." sabay kaming natawa ng dahil sa sinabi nito.

"Kinakaya at kakayanin pa, Mahal kaya kita." lihim nalang akong natawa ng bigla itong nagtatampong ngumuso.

"Hmm?? Mahal mo ako? Mahal mo ba talaga ako? Gaano mo naman ako kamahal kung ganon?" nang aasar na tanong pa nito habang itinaas-baba ang kanyang kilay.

Napangiti nalang ako dahil ayokong awayin siya ngayon. Alam ko namang naghahanap na naman ang mahal ko ng pag-aaway namin, wag muna ngayon. Bukas nalang siguro.

"Hmm... Mahal kita, mahal na mahal. Ayokong sabihin na magtiwala ka lang sa nararamdaman ko kahit madami at punong puno naman ng kasiguraduhan na mahal kita, diba?" nakangiting napatango tango naman ito habang nakatitig na ng mariin sa akin.

"Mahirap mang ipaliwanag kung bakit kita mahal, because love has no reason at all, love has no boundaries. But one thing that I know is... I can't afford to lose you, mahal. Because losing you means losing myself too." namamanghang napatitig ako sa kaniya ng makita ko na kumislap ang mga mata nito matapos niyang marinig ang sinabi ko.

"I'm lucky..." kunyaring inirapan ko lang ito na syang ikinatawa niya ng mahina.

Nakangiti kami habang patuloy parin sa pakikipagtitigan sa isa't isa na animong tanging mata namin ang nag uusap para sa amin. Naipikit ko nalang ang aking mga mata ng dahan dahan nitong hinaplos ang aking pisnge.

Nakapakagat labi ako dahil maya maya lang ay malungkot na itong napabugtong hininga kaya naidilat ko agad ang aking mga mata. Malungkot na tinignan pa ako nito bago siya nag iwas sa akin ng tingin at malungkot parin na pinanood ang naggagandahang fireworks.

"Mahal--"

"Hindi ko na alam.. Natatakot parin talaga ako mahal... Natatakot parin ako dahil feeling ko anytime lang ay may hindi magandang mangyayari sa atin--sayo, lalo na at alam mo namang hindi tayo tanggap ng parents ko... Natatakot... Natatakot ako para sayo--"

Agad na napatigil ito sa pagsasalita ng dampian ko siya ng isang magaan na halik sa kaniyang labi. Nginitian ko pa muna ito ng matamis at bahagya akong lumayo sa kaniya.

"Whatever happens... I will always choose you, like what you did."

"P-Pero--"

Napakagat labi naman ito at bahagyang naiiling-iling pa sa aking harapan, nanginginig na hinawakan ng dalawang kamay niya ang aking pisnge at ipinagdikit niya ang aming nga noo.

Kita ko ang dahan dahang pagtulo ng kaniyang luha sa mga mata kaya hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot at kirot sa dibdib. Ayoko ng ganito siya, ayoko... natatakot ako sa ideyang baka one day ay mapagod din siya. Mapagod sa amin--sa akin.

You Belong With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon