Chapter 17

7.1K 331 200
                                    

"Tayong mga pinoy ang
hihilig sa mga yugyugan..."

"Makarinig lang ng bayo,
nakangiti parang pasko na naman…"

"Etong si bebe ko kung gumiling naka-smile
Pa ewan ewan, ah ewan ah ewan."

"Ale alembong sumayaw, ang akala mo'y kinukulam."

"Ang kulit ng giling giling."

"Ang kulit ng giling giling."

"Ang kulit, sarap ng feeling"

"Ang kulit, sarap ng feeling"

"Ang kulit ng giling giling
Ni bebe ko."

Gaya ng naririnig ko ngayon sa kantang aking pinapakinggan ay para na din akong tangang iginigiling ang aking napaka yummy na katawan habang ako ay nagpapagpag at nagpupunas ng mga alikabok sa bawat sulok nitong silid. Minsan pa akong tumutuwad at sabay na gigiling muli.

Naririto nga pala ako ngayon dito sa may lumang library ng aming University na hindi na nagagamit pa upang maglinis--actually, pinaglilinis lang talaga ako ng mahal kong professor dahil ito daw ang aking parusa, parusang hindi ko naman alam kung ano bang kasalanan ang aking nagawa!

Ang unfair talaga ng mundo!

Bakit mundo? Syempre, simple lang yan.. kasi siya ang aking mundo--charot! Pero medyo true din.

Gustong gusto kong maiyak kanina ng makita ko kung gaano ba karami ang aking gagawin dito. Animong dinaanan na din ata ito ng napakaraming bagyo dahil sa sobrang kalat at gulo. Nakakapanghina talaga itong parusa ni ma'am sa akin.

Hayss.. Buti nalang ang ganda ko pa din.

Actually, hanggang ngayon ay iniisip ko parin yung sinabi ni Ma'am sa akin kanina bago niya ako iwanan ng punong puno ng katanungan sa aking isipan. Bakit niya sinabi iyon? Ano bang nagbago? Anong dating ako? Gulong gulo na talaga ako sa totoo lang pero dapat chill lang palagi kasi maganda ako, ayoko na munang mag isip pa ng kung ano-anong bagay na mag papastress lang sa beauty ko.

Wala naman kasing nagbago ee, maganda parin naman ako, diba? Nabulag na siguro talaga si Ma'am-- nabulag sa pagmamahal ko. Hay, nako Ma'am!

So, ayon na nga! Balik na ulit tayo sa aking ginagawa-- huwag sa taong sakit lang ang idinulot sa buhay mo! Charot!

Medyo natatakot na rin ako ngayon kasi napupundi-pundi pa talaga yung nag-iisa na nga lang na ilaw dito sa loob ng lumang library na ito at idagdag mo pa na mag-isa lang talaga ako ngayon dito kaya kahit may kakaunting ingay lamang akong naririnig ay napapatalon na agad ako sa gulat. Ayoko na!!! Gusto ko nang umuwi!

Minamadali ko na din ang ginagawa kong paglilinis ngayon dito dahil nakikita kong malapit nang dumilim, mas nakakatakot iyon dahil may nabalitaan pa naman ako na may pagala-gala daw na white lady dito sa building na ito ng lumang library. Wala pa naman masyadong tao na dumadaan dito kaya--lord!! Please, help mee!!

Hindi man lang naawa si Ma'am sa isang napakagandang katulad ko! Hindi ko man lang siya nadaan sa pagpapakyut ko kanina para wag lang niya akong iwanan na mag-isa dito! Ang sama sama niya! Che!!!

"Ang kulit ng giling giling."

"Ang kulit ng giling giling."

"Ang kulit, sarap ng feeling"

"Ang kulit, sarap ng feeling"

"Ang kulit ng giling giling
Ni bebe ko."

Saglit ko pa munang itinigil ang aking ginagawa pagpupunas dito sa may bintana at inilapag ko muna sa aking gilid ang basahan na hawak ko bago ko ilagay ang dalawang kamay ko sa aking tunod at sayawin ang otso-otso.

You Belong With Me Where stories live. Discover now