Chapter 18

7.9K 326 336
                                    


Trigger warning:
This chapter may contains graphics depictions of sexuality and nudity.

=============

"Nakakainis naman! Inaantok pa nga ako ee..." nakangusong ungot ko at animong nagtatampo pang mas isiniksik ang aking katawan sa bintana nitong bus na aming sinasakyan ngayon.

Ahhh!!!!! Gusto ko pang matulog!

Walang ganang tinignan lang naman ako ng aking napakagandang kasama ngayon bago niya pairap pa talagang iniiwas ang tingin sa akin. Mahinang napasinghal nalang ako dahil sa inasal nito.

Nakakainis naman kasi siya! Ang hilig hilig niya talaga sa laging mga biglaan! Sino naman kasing matutuwa sa kaniya, ha? Ikaw ba naman na payapa lang na natutulog ay bubulabugin niya lang sa madaling araw pa talaga ah? Sinong matutuwa dun?!

Okay lang naman sa akin na biglain niya ako sa kahit saan o kahit anong bagay- kahit nga sa kama pa ee--charot! Pero kasi naman! wag lang sana yung pati sa pagtulog ko, inaano niya pa---jusko naman talaga, oo! Mahal ko siya pero mukang wala na talaga kaming pag asa pang magkasundo sa kahit maliit na bagay pa iyan.

Pero kami parin talaga ang endgame hanggang sa huling hininga namin, syempre naman! Kung hindi man mangyayari iyon.. ay hindi pwede! Hindi talaga, Ipipilit natin yan!

Hindi ko talaga gets yung mga trip ni Ma'am ngayon ee--i mean palagi naman pala, ang hirap na ngang basahin syempre lalo naman ang intindihin diba? pero well... ano pa ba kasing magagawa ko? Kanya kaniya namang trip yan ee... Pero yung trip lang talaga ni ma'am ang hindi katanggap tanggap para sa akin. Mahal ko siya pero hindi talaga ee...

Tapos ito pa ah... mas gusto pa niyang magcommute nalang kami kesa gamitin namin yung sasakyan ko? Wow naman! Kakaiba talaga ang trip nito ni Ma'am.

Well, sasakyan ko nalang yung trip niya tapos sakyan niya nalang din ako---

Nandito na kami ngayong ala una palang ng madaling sa terminal ng bus at nag-aantay kasi mukang nag aantay pa ata sila ng iba pang pasaherong sasakay. Twelve o'clock or bago pa man mag twelve o'clock nang magpunta na si Ma'am sa aking condo upang bulabugin ako sa aking payapa na pagkakatulog.

Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta ngayon dahil wala din naman siyang sinabi sa akin kanina basta lang niya akong pinagmamadaling mag ayos na daw ako ng aking mga gamit--tapos ang lintik! siya pa ang naiinis kanina dahil tanong daw ako ng tanong sa kaniya. Hustisyaaaaaaaa naman oh!!!

"Saan ba kasi talaga ang punta natin ngayon?" hindi ko na natiis ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Nakita ko namang sinulyapan lang ako nito ng saglit bago siya wala pang ganang nagkibit-balikat lang sa akin kaya naman inis na nahampas ko siya bigla ng malakas sa kaniyang hita.

Nakakagigil na siya ah! Kinakausap na nga ng maayos tapos---wait tekaaa!!!

H-Hala?!

Agad na nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko bigla kung anong katangahan ang aking ginawa. Kinakabahan na natawa nalang ako ng alanganin ng makita ko kung gaano na kasama ang tingin nito sa akin. Napalunok pa ako ng magilap ng aking paningin ang madiin na nakakuyom na kamao nito. Jesus!! Help me!!!!!!!!!!

"S-Sorry--" hindi ko na natapos ang dapat na paghingi ko ng tawad sa kaniya dahil hindi na ako nakailag pa ng sinalubong na agad ng napakagandang face ko ang kamao nito.

Well, hindi na ako nagulat pa dahil alam ko naman na tatama talaga ang kamao niya sa mukha ko. Buhay nga naman!!

Pigil na pigil ko naman ang aking malakas na pagdaing sa sakit dahil baka may nakarinig sa akin at kung ano pang isipin nila. Hindi naman malakas yung pagtama ng kamao niya sa mukha ko pero sapat na iyon upang tuluyan nang magising ang diwa ko. Salamat naman, professor!

You Belong With Me Where stories live. Discover now