Chapter 15

8.7K 323 165
                                    

Masayang iginala ko muna ang aking paningin sa buong paligid habang abala pa si Ma'am kausap niya sa cellphone niya na hindi ko alam kung sino na iyon. Anyway, Nandito pala kami ngayong hapon sa Enchanted kingdom dito sa may laguna.

Hindi ko alam kung ano bang mabuting anghel ang sumapi ngayon kay Ma'am dahil nagulat nalang ako nung bigla itong sumulpot kanina sa aking condo ng walang pasabi at inaya niya agad akong lumabas-or let's say makipagdate sa akin. Wag nalang kayong maingay kay Ma'am na sinabi ko sa inyo ah? kasi idedeny na naman niya na date talaga namin ito ngayon, ayaw lang talaga ni ma'am aminin pero date talaga namin ito ngayon. Pabebe mode lang siya ee.

Pero yun na nga, mabuti nalang pala at hindi ko talaga siya tinanggihan kahit may red days ako today dahil dito pala niya ako balak na dalhin tapos libre pa niya talaga today ah? So, ano namang karapatan kong tanggihan siya diba?

Libre na yun ee!

Walang makakatanggi dun!

Actually, nung nakaraang buwan ko pa talaga dapat balak pumunta dito sa Enchanted kingdom kasi nabalitaan ko kay ate na nagpunta sila dito tapos ininggit pa talaga ako ng gaga kaya ito ako ngayon--pero si Mareng Eq naman ang inaya ko that time kasi magiging busy daw si Ma'am nun, yun yung sabi niya sa akin ah? kaso nga lang hindi na rin kinaya ng schedule namin ni Mareng Eq kasi may biglaang project din na pinagawa sa subject ni Prof. Saavedra that time kaya hindi nalang namin itinuloy pa.

Kung tinatanong niyo naman kung bakit si Mareng Eq ang naging choice kong isama kahit ayoko naman talaga siyang kasama ay wala akong naman akong magagawa dahil syempre minsan kailangan din nating magpalakas at sumipsip sa ating sister in law.

"Hey, let's go." nakangiting nilingon ko naman agad si Ma'am ng marinig ko ang boses nito mula sa aking likuran.

Ngunit agad ding napawi ang aking mga ngiti sa labi at napalitan iyon ng hindi makapaniwalang pagngiwi ng makita kong wala man lang kaemo-emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Alanganin pa akong natawa ngunit hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito. Problema na naman nito?

Nakipagtitigan pa muna ito ng ilang segundo sa akin bago siya walang sali-salitang mabilis na naglakad paalis. Eh? Baliw?

Napairap nalang ako sa kawalan bago ko siya nakangusong sinundan. Hindi ko alam kung masaya ba siyang kasama ako today or not ee... Huhuhu.. I'm sad na everyday, everynight. Letche!

"Hoy, mameh! Wait for me naman!!" malakas na sigaw ko pa at mabilis na tumakbo upang masundan siya.

Napakagat labi nalang ako sa hiya--medyo lang ng mapansin kong makuha ko ang atensyon ng ibang tao na nakarinig ng ingay ko, hindi ko nalang sila pinansin pa kasi gold pa ako sa gold. Pero wait naman--Ang bilis naman atang maglakad ni Ma'am, hindi naman halatang ayaw niya talaga akong kasama diba?

"Mameh!!! Mameh!! Mameh!!" agad naman na napahinto ito sa kaniyang paglalakad marahil ay narinig niya ang malakas na sigaw ko.

Hinihingal na napahinto ako at pagod na napahawak nalang ako sa aking tunod ng makalapit ako sa puwesto niya. Dahan dahan kong inangat ang tingin ko sa kaniya at lihim naman akong napalunok at napaayos agad ng tayo dahil inis na inis na itong nakatingin sa akin.

Gagi? Ano na naman bang kasalanan ko today sa kaniya? Wala naman akong matandaan dahil ang alam ko lang ay puro kabutihan at kagandahan lang ang aking nagagawa.

"Why, mameh--"

"Can you fvcking stop calling me, Mameh! You--fvcking dimwit!" inis pang sigaw nito sa akin.

Gulat na napaigtad naman ako ngunit lihim nalang din na natawa dahil animong bata pa itong pumadyak sa sahig. Kyut ni naman ni mama bear.

"Ha? Lah? Parang nung nakaraan lang ay gusto mo pa ngang mameh ang itawag ko sayo--" natigilan naman ako dahil muntik na akong matamaan sa mukha ng palad niya buti nalang at nakailag ako.

You Belong With Me Where stories live. Discover now