Chapter 2

13K 474 250
                                    

"Cutie, magpapasa ka na din ba? Pasabay naman nung akin oh, pleasee."

Agad namang napahinto yung lalaking kaklase ko sa kaniyang ginagawa nung marinig ang sinabi ko bago namumulang napalingon sa akin, nginitian ko naman ito ng matamis kaya halos mangamatis na ang buong mukha niya.

Crush ako ni kuyang cute, yieeee ang ganda ko talaga.

Lihim nalang akong natawa dahil nanginginig pa itong lumapit sa akin bago kunin ang papel na inaabot ko sa kaniya.

"S-Sige, a-ako na ang bahalang m-magpasa nito." nagkadautal utal na sabi niya.

Magpapasalamat palang sana ako sa kaniya ngunit nagmamadaling tumakbo na ito palabas ng room. Napailing nalang ako at agad na inayos ang mga gamit ko, nakita ko pang mga nakangisi na ang mga gunggong kong kaibigan.

Ano na namang ngisi yan? Parang mga tanga-i mean tangaa naman talaga silang lahat.

Walang halong biro.

"Ang ganda mo talaga Mareng Lenesha!" nakangising pang-aasar pa na sabi ni Robert, isa sa mga kaklase kong gago.

"Enebe! Pere kang tinga!" kunyari pang inirapan ko ito, tinawanan lang naman ako nito bago naiiling na lumabas na.

Oo nga pala, break time na namin ngayon at wala si Mareng Eq dahil pinatawag siya ni dean which is uncle niya. Mukang may ipapagawa ata sa kaniya.

"Kamusta naman ang birthday mo?" nakangising tanong ko kay Caleb.

Nginisian muna ako nito bago mayabang na nagkibit balikat.

"Masaya, wala ka eh--"

Agad na nawala ang ngisi sa aking mga labi dahil sa sinabi niya, inis naman na nabatukan ko ito agad.

"Ulol."

Napasimangot nalang ako ng tawanan lang ako nito, agad na napabaling ang tingin ko kay Zera dahil nakangiti na itong lalapit sa akin.

Isa lang ang ibig sabihin niyan.

May chismiss mga mare.

"Hoy, alam mo ba! May naka one night stand daw na babae ang malanding si Eq." kwento pa ng gunggong na si Zera.

I told you, may chismiss nga at mukang nagbabaga pa.

"Oh? Maganda ba? Sino naman?" nakangising tanong ko dito.

Nagkibit balikat lang ito kaya agad na napairap ako. Walang kwentang chismosa hindi kumpleto ang details.

Agad naman na nagsipaglabasan na kaming tatlo nung makita namin na nauunang lumabas na si Silviana the sungit. Wala na naman ata sa mood si sungit.

"Gutom na gutom yarn?!" malakas na sigaw ng gunggong na si Zera dito.

Mabilis kasi ang lakad ni sungit at hindi na namin ito maabutan pa. Sabay sabay na nagtawanan naman kami ng saglit na humarap lang ito sa amin para pakyuhan kami.

Ang cute, ang liit kasi nung mataba niyang daliri sa gitna. Bitin yan kapag nagkataon ay-

"Sumabay ka nalang
Wag kang mahihiya
Sige subukan mo
Baka may mapala
Walang mawawala
Kapag nagchachaga
Kung gustong gusto mo
Sundan mo lang ako"

Napangisi nalang ako ng marinig ko na nagsimula na namang mabaliw si Zera dahil malakas na itong kumakanta sa kalagitnaan ng paglalakad namin. Wala talagang hiya sa katawan ang gunggong na ito.

"jumbo hotdog
Kaya mo ba 'to?
Kaya mo ba 'to?
Kaya mo ba 'to?"

"Jumbo hotdog
Kaya mo ba'to?
Hindi kami ba'to
Para magpatalo"

You Belong With Me Where stories live. Discover now