Chapter 40

1.2K 38 2
                                    

Trigger warning:
This chapter may contains graphics depictions of sexuality and nudity.

___________________________________

"So, narinig mo na pala lahat ng pinag usapan namin ni Caleb?" tumaas pa ng bahagya yung isang kilay niya sa akin kaya hindi ko mapigilang matawa.

"Yes." kagat labing sagot ko sa kaniya upang pigilan ko na matawa kaya mas lalong tumaas ang kilay niya.

Kahit gawin niya talaga ang lahat para lang maging mataray ang itsura niya ay hindi natalab. Kahit magsalubong pa ang kilay niya ay mukha lang siyang magpapabebe. Ang amo kasi ng mukha niya, hindi talaga siya mukhang mataray pero kabaliktaran naman nun ng ugali niya. Napanguso naman siya maya maya dahil sa aking reaction.

Ang cute niya, ang sarap niyang panggigilan.

Napag alaman ko na nilalagnat nga ang babaeng ito dahil sobrang init niya, ang pasaway niya masyado. Napakain at napainom ko na siya kanina ng gamot, pahirapan pa kami kanina dahil matigas nga ang ulo niya.

Anyway, nandito kaming dalawa ngayon sa loob ng kwarto niya at magkaharap na nakaupo sa malambot niyang kama niya. Dito kami nag uusap, nagpaliwanag na din siya lahat ng pangyayari at nakwento ko din yung narinig namin nung nag uusap sila ni Caleb.

Gusto ko ngang matawa kasi ang cool ng bahay niya kung titignan mo sa labas pero pagpasok mo naman pala puro pink ang makikita mo. Kulang nalang mag design siya ng barbie sa mga pader ee.

Girly yarn.

Kunyari hindi ko alam na pink ang favorite color niya.

"Kaya pala." maya maya lang ay napatango tango pa siya na animong may sinasang ayunan siya sa naisip niya at bahagya pang natawa.

"Bakit?" nakangiting tanong ko sa kaniya kahit nagtataka ako kung bakit siya tumatawa.

"Para kasing naririnig ko yung boses ni mareng Eq that time. Akala ko naririnig ko lang sa isip ko yung mga side comments niya." sabay pa kaming natawa dahil sa sinabi niya.

Napangiti naman ako nung muli siyang lumapit sa akin at animong ayaw nang kuwala na yumakap sa akin. Siniksik niya talaga sa akin ang katawan niya na bahagya kong ikinatawa. So cute.

"Oh, bakit?" bigla kasi siyang umalis mula sa pagkakayakap niya sa akin at nakanguso akong tinignan.

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na dampian ang labi ng isang mabilis na halik na ikinalaki ng mata niya. Maya maya lang ay parang gagong ngumisi siya sa akin kaya piningot ko ang ilong niya.

Tinabig niya ang kamay ko at muling yumakap na naman sa akin. Hindi naman ako naangal dahil pabor naman sa akin ang mga ginagawa niya at namiss ko naman talaga ang yakap niya.

"Ang laki talaga ng galit sa akin ng kapatid mo no?" parang nainis pa niya nung sinabi niya iyon.

"Namiss ka lang nun." sinilip ko ang mukha niya at talagang napahalakhak na ako nung makita kong umasim bigla ang mukha niya.

"Naiinis pa rin ako sa kaniya, badtrip siya! Pagkatapos niya akong sampalin tapos pinagbibintangan pa niya akong madaming babae, kailan pa ako naging siya?"

You Belong With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon