chapter one

1.4K 48 8
                                    

Namulat ako sa mundo na palaging dinidiskrimina ng marami dahil lang sa pagiging ako. Pero hindi iyon sapat na dahilan upang magpaapi na lang ako, kami. Hindi sapat na dahilan ang matakot na magulpi ng mga gagong alpha na katulad nila. Minsan kasi kailangan din nating lumaban kahit wala tayong t'yansang manalo.

"Jace, hindi ka pa rin ba natututo? Last year na natin 'to sa highschool, tapos hindi ka pa rin titigil?" Masama ang tingin nito sa'kin habang sinasabi ang mga salitang 'yon. May dalawang metros ang layo namin ngunit kitang-kita ko pa rin ang galit sa mga mata nila. "Ano bang gusto mong patunayan, ha?" Ibinulsa nito ang mga kamay. Ang polo nitong katulad ng suot ko'y nakabukas kaya kitang-kita ang itim nitong t-shirt.

"Jace, tama na." Bulong sa'kin ni Lance at pilit akong pinipigilan na lumapit sa apat na lalaking nasa aming harapan.

Gusto ko namang tumigil, eh. Pero titigil lang ako hangga't malaya na kami sa diskriminasyon. Malaya na kami sa pagtrato nilang hindi makatao. Alam ko namang sawa na sila sa pambubugbog sa'kin, pero hangga't hindi sila titigil sa pambubully sa mga gaya namin, hindi rin ako titigil na sugurin sila. Bumaling ako sa dalawa kong kaibigan. "Mauna na kayo, Lance, Zel."

"P-Pero, Jace..."

Umiling ako kay Zel, "Last na 'to. Promise."

"Jace, please. Baka this time mabalian ka na ng buto. You know how strong they are!" Bakas na ang inis sa boses ni Lance.

"Pero, Lance, hindi ko sila hahayaan na lang na maliitin tayo!" Pasigaw kong bulong at pilit na kumakawala sa pagkakahawak nila sa'kin.

"Jace, ano bang magagawa natin? Ito na tayo, eh. Wala na tayong magagawa upang baguhin ang mga pananaw nila sa buhay. Hinding-hindi magbabago ang pagtingin nila sa mga kagaya nating mahihina." Sagot ni Lance na mas lalong nagpainit sa aking ulo. Mababakas ang kalungkutan sa kaniyang mga mata.

"Jace... Lance..." Si Zel.

"Ano? Tatayo na lang ba kayo riyan? Umalis na lang kayo hangga't may kaya pa kaming magtimpi. Pero kahit naman sumagot kayo sa tanong namin, mahina pa rin kayo, omega." Tumawa sila sa sarili nilang pangungutya.

Natigil kaming tatlo sa sinabi nila at muli silang binalingan. "Lance, ganito na lang ba talaga tayo?"

"Alam kong masakit ang mga sinasabi nila, ngunit wala tayong laban sa kanila. Tignan mo ang mga katawan natin! Kasing liit ng mga batang grade 7! Tumigil ka na, Jace."

Nakita ko si Zel na naluluha na. Ang magaganda nitong kulay berdeng mga mata sa likod ng isang pabilog na salamin ay nangungusap. Tila ba gusto na kaming patigilin pareho ni Lance, ngunit dahil hindi niya gusto ng away ay tumahimik lang ito.

"Sorry, Zel, at Lance." Huminga ako ng malalim. "Tara na."

Para silang nabunutan ng tinik sa dibdib at huminga ng malalim saka ngumiti sa'kin. "Salamat naman. Tara na baka magbago ang isip nila't gulpihin pa tayo." Sang-ayon ni Lance.

Pero bago kami tuluyang makatalikod para lisanin ang lugar, tinignan ko muna ng masama ang mga alpha na walang ibang ginagawa kung 'di ang magtrashtalk sa omega'ng nakikita nilang dumadaan.

Tinaasan lamang nila ako ng kilay.

Inirapan ko na lang sila at naglakad na kami papalayo sa mga ito.

"Jace, malapit na tayong grumaduate kaya umayos ka na. Ilang araw na lang at makakaalis na tayo rito sa school. H'wag mo na lang silang pansinin, okay? Kahit pa sabihan ka nila ng tanga, mahina, walang silbi, puta o ano pang ibang mga salitang ginagamit nila, h'wag mo na lang silang patulan dahil ikaw lang din naman ang masasaktan. 'Tsaka gusto mo bang grumaduate na may pasa sa mukha?" Pangaral sa'kin ni Lance.

A Good Night's MistakeWhere stories live. Discover now