chapter seventeen

608 32 5
                                    

"Good morning, Jace." May maliit na ngiting nakaguhit sa mga labi ni Callian nang sabihin 'yon sa'kin matapos kong buksan ang gate.

Tumango ako at hindi siya matignan dahil sa hiyang nararamdaman. I could still remember his lips on mine as if it just happened minutes ago. Gusto kong lamunin na lang ng lupa sa tuwing nakakaharap siya't naaalala ang halik na 'yon. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit ko ba siya hinalikan. Tumingin na lang ako sa bulaklak na dala niya na pansin kong mas lalong dumami pa ang mga 'to.

"Where's James?" Tanong nito.

"Natutulog pa."

"Okay, guess I can't see him this morning, then."

Tumango ako hindi pa rin makatingin sa mukha niya, "Baka mamayang gabi na."

"Here." Inilahad niya sa'kin ang hawak niyang bulaklak at ang paper bag na alam kong may lamang tsokolate at iba pang pagkain.

Inabot ko 'yon, "Salamat." Sabi ko.

Akala ko aalis na siya, ngunit nanatili siya sa aking harapan at magaang hinawakan ang aking pisngi at inangat sa kaniya. Mabilis na namula ang aking pisngi, at alam kong nakikita iyon ni Callian. "B-Bakit?" Takha kong tanong.

Ngumiti ito bago inilapit ang kaniyang mukha sa'kin. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata hanggang sa maramdaman ko ang labi niya sa'kin. Mabilis lang din siyang humiwalay, ngunit ang kaniyang noo ay ipinagkonekta niya sa aking noo, "I love you." Bulong nito.

Naamoy ko ang kaniyang mabangong hininga, at ng kaniyang pheromones na pinapagaan ang aking pakiramdam. Wala akong nagawa kung 'di ang manlambot at tumango bilang tugon dahil hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong isasagot sa kaniyang sinabi. Nalilito pa rin ako hanggang ngayon, ngunit kaunti na lang ang takot sa aking puso dahil nitong mga nakaraang araw na nakasama ko si Callian, pinapatunayan niyang hindi ako sasaktan. At hiling ko rin na sana'y hindi masira ang tiwala ko sa kaniya.

Muli niya akong hinalikan, pero sa oras na 'yon ay sa aking noo na. Dampi lang iyon at humiwalay na ito sa'kin. Nakaramdam ako ng dismaya na pilit kong tinago nang hindi na maramdaman ang kaniyang mainit na katawan sa'kin. "I'll be leaving now. Tell James I love him." Habilin nito sa'kin.

Tumango ako, "S-Sige. M-Mag-ingat ka sa daan." Mahinang sabi ko. Iyon ang unang beses na sinabihan ko siya ng ganoon. Tahimik ko lang kasi siyang pinagmamasdan hanggang sa mawala na sa paningin ko ang lulan niyang sasakyan. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako nang sabihin sa kaniya 'yon, palagi ko namang sinasabi ang mga salitang 'yon kay Tito, Gab, at Mama.

Lumambot ang kaniyang mukha at ngumiti sa'kin, "You take care of yourself and our son, too. And don't miss me too much, I'll come back to you later."

Kaagad akong napairap dahil sa huling pangungusap na sinabi niya. "I won't miss you. Assumero ka." Inis kong wika, tinatago ang mabilis na pagtibok ng aking puso na pakiramdam ko'y parang lalabas sa aking ribcage.

Mahina itong tumawa bago ito nagtungo sa pinto ng driver's seat. Bago pa siya pumasok ay kumaway siya sa'kin, tanging irap lang ang ginawa kong tugon sa kaniya. Napailing na lang ako at tinitigan ang sasakyan niya hanggang sa mawala ito sa aking paningin.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Nahuhulog na ba ang loob ko sa kaniya? Kung hahayaan ko ang sarili kong mahulog, sasaluhin niya naman ako, hindi ba?

***

"Dada, why po wala si Daddy?" Nakasimangot na tanong ni James nang mahiga kami sa kama.

Napabuntong-hininga ako dahil maging ako ay hindi alam kung bakit. Nakaramdam na naman ako ng init ng ulo nang maisip na naman ang hindi pagpapakita ni Callian ngayong gabi. Sinabi niya sa'kin na babalik siya, pero alas onse na lang ng gabi ay wala pa ring Callian na nagpakita. Pero hindi ko rin maiwasang mag-alala. Ano kayang nangyari sa kaniya?

A Good Night's MistakeWhere stories live. Discover now