chapter seven

749 40 4
                                    

Tatlong linggo na ang nakakalipas matapos ang graduation at ang gabi kung kailan kami nagtalik ni Callian. Ngunit palagi ko pa rin iyong naaalala at minsa'y napapanaginipan ko pa. At mas lalo ko lang pinandidirihan ang aking sarili sa tuwing nagigising akong matigas ang aking pagkalalaki. Ang aking galit sa sarili ay mas lalong lumalaki. Sometimes I'd wish to just die so this hatred and suffering would end.

And after some time, my body felt more weak. Palagi akong nahihilo, at nasusuka. Akala ko ito lang 'yong resulta sa pag-inom ko ng alak dahil ako ang halos nakaubos no'n lahat, pero habang nagtatagal, naiisip ko na mali ang aking akala. Hindi kasi gano'n ang nangyayari sa mga binabasa ko, maha-hung over lang sila at sasakit ang ulo, iinom ng gamot o kape tapos itutulog at mawawala na. Pero iba ang sa'kin, habang tumatagal ay mas lumalala.

Sa umagang 'yon, nagsusuka na naman ako. Nasa loob ako ng aking banyo at nakaluhod sa harapan ng toilet bowl habang nilalabas ang mga pagkain na kinain ko kagabi. Tumigil lang ito nang wala na akong mailabas. Napaupo ako sa mabasang tiled-floor ng banyo at nanghihinang sinapo ang aking tiyan. Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa mga ideyang pumapasok sa aking isip. Sana mali itong akala ko. Sana mali. Kasi kung tama ito, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig at hinubad ang suot na mga damit. Itinapat ko ang aking ulo sa shower at naligo.

"Good morning, Jace!" Masiglang bati sa'kin ni Mama nang makalabas ako sa kuwarto pagkatapos kong maligo at magbihis.

Pilit akong ngumiti sa kaniya at lumapit dito. Nagluluto ito ng pancake, ang ibang luto na ay nakahain na sa lamesa. Napansin ko ang pagod sa kaniyang mukha at ang mga pawis na lumalabas sa kaniyang noo. Kanina pa siguro ito gumagawa ng gawaing bahay. Minsan talaga hindi ko maiwasang mag-alala kay Mama, palagi itong may ginagawa kaya naman mabilis din siyang manghina at magkasakit. "Good morning po, 'Ma. Ako na po ang magluluto. Umupo ka na lang po roon." Sabi ko nang makalapit sa kaniya.

Tinignan niya ako at sinimangutan, "Anak, malakas pa ang Mama mo. Ikaw ang maupo roon dahil ikaw itong mas mukhang pagod. Ano bang pinaggagawa mo nitong mga nakaraang araw? Palagi ka lang namang nandito sa bahay." Naiiling na sabi niya.

Natigilan ako at unti-unting nawawala ang ngiti na nakapaskil sa aking labi. Napalunok ako at umiwas ng tingin. "N-Nag-aaral po kasi ako p-para sa college, 'Ma." Pagsisinungaling ko. Pagkatapos nang mangyari ang araw na nakita ko ang sarili sa tabi ni Callian ay palagi na lang akong nagsisinungaling sa mga taong malapit sa'kin. Hindi ko kasi masabi-sabi sa kanila ang totoo dahil natatakot ako. Takot ako na baka layuan nila ako at kutyain sa katangahang ginawa ko. Ayaw ko ring madisappoint sila sa'kin.

"Hinay-hinay lang sa pag-aaral, 'nak. Isipin mo rin ang kalusugan mo." Pangaral nito.

Tumango ako at hindi na nagsalita pa dahil naaalala ko lang ang mga weirdong nararamdaman ko. Sana mawala na lang 'to.

"Oh, siya, ayusin mo na lang iyong lamesa at dalhin itong mga luto na." Sabi niya habang binibigay sa'kin ang pancakes na nakalagay sa plato.

Mabilis ko iyong tinanggap at nagtungo sa maliit na dining table at inayos iyon upang makakain na kami. Umupo na kaming dalawa ni Mama sa upuang kaharap ang lamesa, nasa tapat ko siya kaya kitang-kita ko ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. "Bakit po?" Takhang tanong ko, hindi maiwasang makaramdam ng kaba dahil sa paraan ng pagtitig niya sa'kin.

"Nag-aalala ako sa'yo, 'nak. Hindi ka naman ganito katamlay noon. Ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong niya sa'kin. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses.

Umiwas ako ng tingin at ibinaling ang pansin sa pagkain na nasa aking plato. "A-Ano bang sinasabi mo, 'Ma? Hindi naman ako gano'n katamlay. Siguro napagod lang ako sa pagre-review."

A Good Night's MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon