epilogue

949 41 21
                                    

"Hello, James?" Paos ang aking boses nang sagutin ko ang tawag ng aking anak sa umagang 'yon. Nasa tabi ko si Callian at pinaunan niya sa akin ang matigas niyang dibdib. Ang braso nito ay nakapalibot sa aking balikat, habang ang isang kamay ay hawak ang telepono kung saan ako nakikipag-usap kay James.

"Dada? Are you Dada po? Bakit po ang weird ng voice niyo?" Takhang tanong ni James nang marinig nito ang paos kong boses.

Napangiti ako at nilingon si Callian na nakangisi. Hindi ko napigilan ang sarili at pabiro itong siniko.

"Babe..." Ungot nito, ngunit nakangiti pa rin.

Pabiro ko itong inirapan at muling itinuon ang pansin sa teleponong hawak niya. "Si Dada ito, anak. Kumusta ka na ba? Sorry at hindi ako nakauwi kaagad, 'nak, ha?"

"Oh, it's okay, Dada! Sabi ni Daddy na nagme-make kayo ng new baby para may kalaro na ako and may baby sister na ako, kaya it's okay po."

Muli kong nilingon si Callian na umiwas sa'kin ng tingin. Binigyan ko siya ng matatalim na tingin.

"But is it really long po ba ang hours na magmake po ng baby, Dada?"

Malakas kong siniko ang tiyan ni Callian na naging dahilan upang mapa-aray ito.

"Was that Daddy po ba, Dada?"

Peke akong tumawa, "Oo, anak. Ang clumsy kasi ng Daddy mo." Sagot ko habang nakatingin pa rin ng masama kay Callian. Kung ano ano na lang ang pinagsasabi nito kay James! 5 years old pa lang ang anak namin! Argh! Kakainis!

"Okay po! I miss you po, Dada. 'Pag done na po kayong mag-make po ng sister ko, uwi na po kayo, okay? Miss na rin po kayo ni Granny."

Napangiti ako, "I miss you too, James. Uuwi na ako riyan ngayon. I love you."

"Eh? Done na po kayong mag-make ng baby sister ko po?"

Unti-unting nawala kaagad ang ngiting sumilay sa aking labi sa tanong ni James. Sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi nito. Hindi ko napigilan ang aking sarili at ibinigay ang telepono kay Callian habang masama pa ring nakatingin dito. "Kausapin mo si James."

Ngumiti lang ito sa'kin at humalik pa sa aking pisngi.

"Callian!" Reklamo ko.

Mahina itong tumawa bago ibinaling ang pansin sa telepono, "Yes, son, we're done making your sister. Now, we'll only have to wait for 9 months." Simpleng paliwanag nito sa aming anak.

Nagparte ang aking labi at hindi makapaniwalang tinignan ito.

"Really, Daddy? Okay po! Excited na po akong maging big brother po."

Napabuntong-hininga na lamang ako habang naipapailing. Bahala na nga silang mag-ama riyan.

"You should be, kiddo. You should also start training yourself on how to be a good kuya."

"Noted, Daddy. I'll try my best po." Seryoso ang boses na sagot ni James.

Muling gumuhit ang maliit na ngiti sa aking mga labi. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking puso. James would be a great kuya.

"That's good, son. We'll hang up now, okay? Maliligo na ang Dada mo para makauwi na siya."

"You'll come too, right, Daddy?"

Hinawakan ni Callian ang aking mga kamay kaya tumingin ako sa kaniya habang nakangiti. "Of course, son." Wika nito habang nakatitig ang asul na mga mata sa'kin.

"Yehey! Bye po, Daddy. Bye po, Dada! See you po! I love you."

"I love you too, son." Tugon ni Callian sa anak.

A Good Night's MistakeWhere stories live. Discover now