chapter eight

730 33 8
                                    

Kinabukasan nga ay nagpunta kami ni Mama sa isang doktor at kinompirma na buntis nga ako. Niresitahan niya ako ng mga vitamins at gatas para daw maging malusog kaming dalawa ng baby ko. Umalis din kami kaagad doon pagkatapos ng check-up. Naglalakad na kami ngayon ni Mama patungo sa parking lot. Medyo mainit na sa mga sandaling 'yon dahil tanghali na kaya may dala-dalang payong si Mama bilang panangga sa init.

"Kumusta ang pakiramdam mo, 'nak?" Tanong ni Mama sa'kin nang makapasok kami sa loob ng sasakyan. Nasa driver's seat siya dahil siya lang ang marunong magmaneho sa'ming dalawa.

"A-Ayos lang po, 'Ma." Nauutal na sabi ko. Pero ang totoo niyan ay pinipilit kong maging maayos para sa anak ko. Hindi ako p'wedeng mastress dahil nakakasama 'yon sa kaniya sabi ng doktor.

Ginulo ni Mama ang buhok ko, "Basta, anak, nandito lang ako para sa'yo, okay?"

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Salamat po, 'Ma." Kahit wala akong kahit anong nagawang maganda para kay Mama ay tanggap niya pa rin ako ng buong-buo kaya magbabago ako para sa kaniya at kay baby.

Magaan ang mga kamay na hinaplos ko ang aking tiyan. Pinaandar na ni Mama ang kotse at umalis na kami roon. Dahil malapit ng mag-alas dose, marami ng sasakyan sa kalsada kaya nastuck kami sa traffic.

Kahit pa tanggap ko ng may buhay sa loob ko, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng takot. Bata pa ako at magko-kolehiyo pa lang. Wala akong alam sa mga baby, at kung paano sila alagaan. Natatakot ako na baka hindi ko siya maalagaan ng maayos. Hindi ko naman kasi inaasahan na mabubuntis ako sa ganitong kamurang edad. Hindi ko nga pinaplano na magpabuntis, pero ito at may bata ng nabuo sa sinapupunan ko.

"Anak, dumaan muna tayo sa grocery, ha? Paubos na kasi ang stock sa bahay." Sabi ni Mama na sumira sa katahimikan sa loob ng sasakyan.

Napalingon ako sa kaniya. "Okay po. Bibilhin ko rin po 'yong gatas na sinabi ni Doc, at vitamins." Tugon ko. Kailangan kong uminom no'n para maging maayos ang kalagayan namin ni baby.

Tumango si Mama at niliko ang sasakyan patungo sa mall na nasa malapit. Pinark ni Mama ang sasakyan sa ground floor bago kami sumakay sa elevator at nagpunta sa floor kung nasaan ang groceries. Mabilis kaming nakarating doon.

"Matagal-tagal na rin akong hindi nakapasok dito." Sabi ko habang palinga-linga sa paligid. Maraming tao sa paligid dahil weekend ngayon at wala silang pasok sa kani-kanilang trabaho.

Ngumiti lang si Mama sa'kin bago siya kumuha ng cart. Nagsimula kaming maglakad papaikot sa supermarket at kumuha ng mga kakailanganin namin sa bahay.

"'Ma, punta lang ako sa kabilang aisle, ha? May nakita akong gatas doon." Paalam ko.

"Mag-ingat ka, anak." Tugon niya.

Tumango lang ako bago siya iniwan. Palingon-lingon ako sa paligid habang hinahanap ang mga nakita kong gatas dahil baka nandoon iyong sinabi ng doctor. Maraming beta ang nandito ngayon, at iilan lang ang alpha at omega. Maliit lang talaga ang populasyon ng mga alpha at omega. Mas madami ang beta sa mundo, ikalawa ang alpha, at iilan lang ang omega. Sa all-boys highschool ay madalang lang din akong makakita ng mga omega roon. Hindi lumalagpas ang bilang na 10 kada-grade level. Gano'n kababa ang birth rate namin.

Nagningning ang aking mga mata nang makita ko rin sa wakas ang mga gatas. Pero nang makitang hindi ko abot ang gatas na gusto ko ay hindi ko maiwasang mainis. Ito ang isa sa mga hindi ko gustong katangian ng mga omega, ang maliit na height. Huminga ako ng malalim at tumalikod na lang. Hindi ko naman gustong magpatulong sa iba kaya hindi ko na lang bibilhin. Sa ibang tindahan na lang.

"Jace?"

Natigil ako sa paglalakad papalayo ng aisle na 'yon at mabilis na napalingon sa taong tumawag sa aking pangalan. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha ni Callian. Asul sa kastanyo.

A Good Night's MistakeWhere stories live. Discover now