special chapter 1

378 10 3
                                    

"Hoy, Jace, mukha kang siga." Bulong sa'kin ni Lance habang binabagtas namin ang malaking field ng campus.

Tinignan ko siya ng masama, "Ano bang gusto mo? Maging mahinhin ako? Lance, baka nakakalimutan mong lalaki pa rin tayo kahit nabubuntis tayo, ah?"

Nakita ko ang mataray na pag-ikot ng mga mata nito bago ako muling tinignan sa mga mata, "Baka awayin tayo ng mga alpha. Alam mo naman kung gaano kakitid ang mga isipan ng iba sa kanila."

Napairap ako, "Ano naman ngayon? Kung gusto nila ng away, ibibigay ko 'yon sa kanila."

"W-Wow, hindi pa rin pala talaga nagbabago 'yang ugali mong 'yan. Since birth ba 'yan?"

Umiling ako, "Simula lang nang malaman ko na ang mga alpha ay walang ibang ginagawa kung 'di ang kutyain tayo."

Napabuntong-hininga ito, "Sa lahat ng omega rito sa school, baka ikaw lang talaga ang pinakasiga."

"Kailangan nating lumaban, Lance."

"Kahit wala tayong laban?"

Tumango ako, puno ng determinasyon ang mga mata, "Oo naman, 'no! Kailangan nating ipamukha sa kanila na hindi tayo mahihina."

Umiling-iling na lamang ito at hindi na nagsalita pa.

Tahimik kaming nagpatuloy sa paglalakad patungo sa aming classroom. Ngayong araw ang unang araw ng klase namin. Medyo nakakakaba sapagkat Grade 7 students kami at baguhan palang sa highschool. Nakakatakot ngunit hindi ko iyon ipinapakita sa aking mukha sapagkat ayaw kong magmukhang mahina.

Natigil lamang kami sa paglalakad nang bigla kaming harangan ng tatlong lalaki. Malapit na sana kami sa building kung nasaan ang aming classroom.

Kaagad na napahakbang papaatras si Lance lalo na nang maamoy namin ang alpha pheromones na nanggagaling sa mga ito.

Hindi ko maiwasang mairita kaya kinunutan ko sila ng noo at matapang na humakbang upang harapin sila.

Tumaas ang mga kilay nila nang makita ang ginawa ko at isang segundo pa'y biglang nagtawanan na para bang may ginawa akong nakakatawa sa harapan nila.

"Ano bang kailangan niyo?" Tanong ko, hindi pinapansin ang nakakainsultong mga tawanan.

"Aba, palaban ang isang 'to." Natatawa pa rin ito nang sabihin ang mga salitang 'yon. Sa tingin ko'y ito ang lider-lideran nila dahil siya ang nasa gitna at ang pinakamalaki sa tatlo.

"Ano naman ngayon?"

"Jace!" Bulong ni Lance at hinawakan ang aking braso, "H'wag mo silang galitin!"

Hindi ko siya pinansin at inalog ang aking braso upang makawala sa pagkakahawak niya.

"Isa ka lang omega, kung makapagsalita ka parang kung sinong matapang. Bagong salta ka lang dito, pero gusto mo na yatang makatikim ng kamao ko." Nanlilisik ang mga matang tumitig ito sa'kin at humakbang papalapit.

Kahit pa nakaramdam ako ng kaunting takot, hindi ako umatras at nakipagtitigan din dito. Hindi dapat ako matakot sa kanila. Wala akong pakialam kung mahina ang katawan ko at walang laban sa malalaking maskels ng mga braso nila. Nais ko lang protektahan ang aking sarili at ipamukha sa kanila na kaming mga omega ay hindi lang mahina at hindi lang isang apparatus na binubuntis para sila'y magkaanak.

"Boss, upakan mo na 'yan." Bulong ng isa nitong kasama nang makita ang galit sa aking mga mata.

"Jace!" Ang pasigaw na bulong naman ni Lance na nasa aking tabi pa rin. "Hayaan mo na sila, please?"

"Maraming teachers dito, dalhin natin sila sa likod ng gym." Ang tugon ng lider nila sa kaniyang mga minions.

Lumapit sila sa amin at umakbay. Mabilis akong gumalaw upang makawala sa mga braso nila, ngunit dahil limang beses silang mas malakas sa'min ay wala kaming nagawa kung 'di ang magpatianod na lamang.

A Good Night's MistakeWhere stories live. Discover now