chapter two

1K 44 3
                                    

Dahil malapit na ang graduation namin, wala na kaming klase at tanging pagpa-practice na lang sa kanta ang aming ginagawa. May march din kaming ip-practice at mamayang hapon iyon magsisimula.

Wala ng masyadong ginagawa at mga nahuling requirements na lang ang pinapasa at mga pag-e-ensayo. Dahil tapos na kami ni Zel ay palagi na lang kaming nakaupo sa aming upuan at nagmumuni-muni sa sarili naming mundo. Tahimik lang kasi si Zel at palaging nakaharap sa kaniyang makakapal na libro, mas nag-e-enjoy ito kaysa sa kausapin ako. Noong may klase pa kami ay palagi ko siyang nakakausap dahil tinatanong ko sa kaniya ang mga lessons na hindi ko maintindihan, ngunit dahil wala na ngang pumapasok na teacher, wala na rin akong masabi sa kaniya. Wala naman akong alam sa mga binabasa niya at magkaiba kami ng mga gusto. Pero kaibigan pa rin naman ang turingan namin sa isa't-isa kahit pa minsan lang kami kung mag-usap. Ang close niya talaga sa barkada namin ay si Blaize na palaging libro rin ang kasama.

Wala naman kaming ibang kaibigan dito dahil masasama ang tingin ng mga beta na kaklase namin sa mga gaya naming omega. Kaming dalawa lang kasi ni Zel ang omega sa block namin. Kaya wala talaga akong nakakausap na iba rito kung 'di si Zel lang. Napakaboring. Lalo na ang apat na alpha na kaklase din namin, hindi ito namamansin at palaging nakaharap sa libro o 'di kaya'y cellphone. Minsan ay nag-uusap sila, ngunit sila-sila lang din. Isa na sa kanilang apat ay si Callian na palaging natutulog sa classroom.

Pero dahil sanay na ako sa kakaibang trato nila sa'min ay hindi ko na lang din sila pinapansin at tumitingin na lang sa labas ng bintana. Pinapanood ko na lang ang mga ibon at ang mga ulap na malayang nakakalipad sa kalangitan.

Maya-maya pa ay pumasok na sa loob ang teacher namin na tumuturo sa'min ng kanta. Doon lang sila tumahimik at ang magulong classroom ay mabilis na naging malinis. Nagsimula ang practice namin ng graduation song sa araw na 'yon.

***

"Ang sakit sa lalamunan 'yong practice-practice na 'yan!" Inis na reklamo ni Flame.

"Oo nga. Dapat binigyan lang nila tayo ng kopya at ng music." Segunda naman ni Lance matapos nitong uminom sa kaniyang biniling juice.

Tinitignan ko lang sila habang sinasabi ang mga reklamo nilang hindi nila masabi-sabi sa mukha ng teachers. Nagpatuloy ako sa pagkain ng sandwich na binili ko rin kanina. Hindi ako binigyan ng baong pagkain ni Mama kanina dahil late na itong nagising. May heat kasi si Mama kaya ako na ang nagkukusang nagluluto sa tuwing dinadalaw siya no'n. Masakit iyon dahil nakaranas na ako no'n, no'ng isang buwan.

Kada-buwan ay nag-h-heat kaming mga omega. Kadalasan ay nasa edad dise-otso ito nagsisimula, gaya ng nangyari sa'kin. Sa oras na 'yon ay nalilibog ang aming mga katawan at gusto naming makipag-mate sa isang alpha. Isang natural characteristic ng omega ang magpabuntis sa mga alpha dahil iyon ang ibinigay na role sa amin. Ngunit hinding-hindi ako magpapabigay sa mga role na 'yan. Asa namang papatol ako sa mga alpha'ng 'yon.

Nakaupo kami sa ilalim ng punong-kahoy sa gitna ng maliit na hardin ng eskwelahan. Walang nagtatambay doon kaya malaya naming napagsosolohan ang lugar. Maganda rito dahil mahangin at mabango pa dahil sa mga bulaklak na nagkalat. Dito kami tumatambay at kumakain sa tuwing break at lunch. Para lang kaming nagpi-picnic sa isang parke.

"Mas mapapagod pa tayo mamaya dahil marching naman ang p-practice-san natin." Sabi ni Jareen nang matapos silang mag-usap patungkol sa graduation song namin.

"Ay, oo, tapos mas lalo tayong matatagalan dahil buong grade 12 ang mag-e-ensayo." Agad namang singit ni Flame.

Silang tatlo lang talaga ang nag-uusap dahil tahimik ang iba naming kaibigan. Si Zohan naman ay sumisingit minsan.

Walo kaming magkakaibigan, at apat sa kanila ay minsan lang kung kumibo. Pero kapag kumibo ang matatahimik naming kaibigan ay kami naman ang tatahimik dahil puro academics at novels lang ang topic nila at wala kaming interest sa mga bagay na 'yon. Iba-iba talaga kami ng personalidad, kung hindi lang dahil sa rason na mga omega kami ay baka hindi kami magkakaibigan ngayon.

A Good Night's MistakeWhere stories live. Discover now