chapter eleven

693 42 9
                                    

"Happy Birthday, Baby James!" Ang masasayang bati ng mga taong nasa harapan namin nang matapos maihip ni James ang kandila na nasa ibabaw ng kaniyang cake na may desinyong sasakyan.

Lumingon ito sa'kin, at kitang-kita ko ang pagningning ng kaniyang mga matang parang diyamante.

Ngumiti ako sa anak ko, "Happy Birthday, 'nak." Bati ko rito at hinaplos ang kaniyang malambot na maitim na buhok. "Ano ang sasabihin mo sa'min? Didn't I teach you about this yesterday?"

Tumango-tango siya at binalingan sina Mama, "Thank you po, Lola, Lolo, and Titos!" Malaki ang ngiti sa kaniyang labi.

"Big boy na talaga si James. Huhu." Iyak ni Gabby habang nakatago ang mukha sa kaniyang palad. Nagsisimula na naman ang kadramahan ng isang 'to.

Hinaplos ni Flame ang likod ni Gab, "Ayos lang 'yan, Mare. Maliit pa 'yong anak ko." Pagc-comfort ni Flame dito.

"Waah! Lalaki rin 'yang kyota mong anak." Hagulgol ni Gab.

Napailing na lamang ako sa kadramahan ng dalawa.

"Siyempre at lalaki ang anak niya, Gab. Hindi naman p'wedeng palagi na lang itong bata." Naiiling na bara ni Lance dito.

Nagtawanan ang iba kong kaibigan, nakisali na rin sina Mama at Tito na tinuturing na clown ang mga kaibigan ko. Habang si Gab ay ngumawa.

"Ang cute mo talaga, baby James." Nakangiting sabi ni Zel nang makalapit sa'min. Wala itong suot na salamin ngayon at sa tingin ko'y naka-contacts ito. Lumingon ito sa'kin, at ang mga mata nitong kakulay ng dahon ay kumikinang. "P'wedeng ako ang magbantay kay James mamaya, Jace?"

Umiling ako at seryoso siyang tinignan, "Hindi p'wede, Zel." Biro ko. Kahit anim na taon na ang lumipas ay maganda pa ring biruin itong si Azael.

Sumimangot ito, "A-Ang sama mo talaga, Jace!" Singhal nito sa'kin.

Ngumisi ako sa kaniya, "Joke lang. Kaya ko naman kayo inimbita rito para gawing babysitter ni James, eh."

"Sabi ko na nga ba at may dark intention ka, Jace!" Singit ni Jareen habang naniningkit ang mga mata.

"Tito Reen! Where's the toy car that you promised?" Si James nang makita ang Tito niyang tsismosa. "Sabi mo po i-buy mo po ako ng big car na Porsche."

Nanlaki ang mga mata ni Jareen sa narinig kay James, hindi makapaniwala sa sinabi nito. "Huh?! M-May sinabi ba akong gano'n, baby?" Tanong niya at binalingan ako, nanghihingi ng tulong.

Palihim akong natawa sa reaksyon nito.

"Opo! When you went to our house and you were drunk po." Rinig ang pananabik sa boses ni James.

"A-Ano kasi, baby..."

Narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan ko na nakatingin na pala kay Jareen.

"Ayan, Reen, magpakalasing ka pa. Kung ano-ano tuloy ang sinasabi mo rito sa cute na batang ito." Si Lance habang tumatawa.

Napailing na lang ako sa reaksyon ni Jareen at binalingan si James, "James, you don't need a big toy car, okay? Kapag big ka na like ng Lolo mo and may work ka na, makakabili ka rin no'n."

Naintindihan naman ni James ang sinabi ko at tumango. "Okay po, Dada! Sorry, Tito Reen, I don't want your Porsche na pala dahil mag-buy na lang ako ng sa'kin."

Kaagad na sumilay ang ngiti ni Jareen dahil hindi na nanganganib ang pera nito. "Ang laki na talaga ng baby namin. Pakiss nga." Lumapit ito kay James at hinalikan sa pisngi.

Humagikhik lang si James dito.

Sabado sa araw na 'yon at walang pasok sa trabaho ang mga kaibigan ko kaya sila sumama. Gusto rin nilang magpahinga muna sa walang sawang utos ng mga superiors nila. Mas marami kasi silang trabaho sa iba nilang ka-trabaho dahil ayaw ng mga tao sa office nila ng mga omega'ng gaya namin. Matagal na rin nilang hindi nakakabonding si James kaya namiss na nila itong anak ko. Napaka-busy kasi ng trabaho nila.

A Good Night's MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon