chapter nineteen

638 29 8
                                    

Mahina akong napadaing nang maramdaman ang sakit sa aking ulo pagkagising ko sa umagang 'yon. Para itong binibiyak sa sakit. Napamura na lang ako at dahan-dahang inangat ang katawan upang maupo sa malambot na kama. Natigil lamang ako nang makita ang isang bimpo na nahulog sa aking hita. Napatitig ako roon ng ilang segundo bago iyon pinulot.

"Jace." Tawag ng isang pamilyar na baritonong boses kaya't napalingon ako sa aking gilid at nakita si Callian na nakaupo sa isang upuang katabi ang kama. Humikab ito bago ito tumayo at sumampa sa kama upang makalapit sa'kin. Sinalat nito ang aking noo habang nakatitig sa aking kastanyong mga mata. "Are you okay?" Tanong nito, bakas ang pag-aalala sa boses.

Sinamaan ko siyang ng tingin at hinawi ang kamay niyang nasa aking noo. Akala siguro nito ay hindi ko na naalala ang ginawa niya kahapon. Inirapan ko siya. Oo nga at nagpakalasing ako kahapon para makalimutan ang eksena nila ng babae niya, pero hindi ito nawala at nanatili sa aking isipan. Hanggang ngayon ay sumasakit pa rin ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko ang imaheng 'yon sa isip ko.

"Is something wrong? May masakit ba sa'yo? Do you want coffee? Soup? What do you want?" Sunod-sunod nitong mga tanong na mas lalong ikinairita ko.

"Bakit ba concerned na concerned ka?" Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga mata. Lumunok ako upang mawala ang bukol na namumuo sa aking lalamunan. "Mabuti pa at umalis ka na lang. Bumalik ka sa babae mo. Manloloko." Muli ko itong inirapan at tatayo na sana nang hawakan nito ang aking kamay. Nilingon ko siya at binigyan siya ng matalim na tingin, "Bitawan mo nga ako!" Singhal ko rito.

"Jace, she's not my woman, okay? I told you she's my cousin." Inangat nito ang aking palad sa kaniyang labi at hinalikan iyon habang malalim na nakatingin sa aking mga mata.

Napakunot ang noo ko at napasimangot sa kaniyang sinabi, "Hindi ako naniniwala! At saka, nasaan ba ako? Bakit ako nandito? Hindi ito ang apartment ni Lance."

"In my condominium. I brought you here last night and took care of you. Nilagnat ka kagabi. You drank all the alcohol yesterday. Good thing that your fever is gone now."

Mas lalong humaba ang nguso ko sa sinabi nito. "Hindi ka na sana pa nag-abala. Baka hinahanap ka na ng babae mo."

Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga, "What should I do for you to believe me, Jace? I would never date a woman while courting you. I love you so much, okay? Wala akong girlfriend, wala akong babae. I'm all yours, babe."

Bahagyang natuwa ang aking puso sa narinig, pero hindi ko pa rin maiwasang magduda rito. "Eh, bakit hindi ka nagpunta sa bahay kahapon? Tapos no'ng isang gabi?"

Mas lalo itong lumapit sa'kin at hinawakan ang pisngi ko para maiharap ang mukha ko sa kaniya. Inangat ko ang aking ulo upang makita siya. "My Mom came home." Sabi nito at hinaplos ang aking buhok. "Hindi ako nakaalis ng bahay because she was being clingy again. I'm sorry, I forgot to text you. She took my phone."

Kinunutan ko siya ng noo, "Gago! Hindi mo naman alam ang number ko."

Ngumisi ito sa'kin, "Really? I don't?"

Naningkit ang mga mata ko at inis na hinawi ang kamay niya. "Sa'n mo kinuha ang number ko?"

Nagkibit-balikat ito at muling ibinalik ang malaking kamay sa aking ulo, "Are you hungry?" Pag-iiba nito sa aming usapan.

Tumango ako at hindi na lang ulit nagtanong kung saan niya kinuha ang number ko dahil mukhang wala itong balak na sabihin iyon. Gumaan na rin ang aking dibdib, at wala na ang kirot dito. Pinsan niya lang pala si Carina. Nakakahiya, pero sino ba kasing hindi magkakamali ng akala? Bakit ba kasi sila nagyakapan?! But I could feel the joy within me. He didn't fooled me.

A Good Night's MistakeWhere stories live. Discover now