chapter four

815 40 8
                                    

Pagkalabas namin sa sasakyan, kaagad na sumalubong sa amin ang malaking mansyon ng classmate ni Jareen. Victorian ang style ng mansion na 'to. Maraming bulaklak sa paligid, at may fountain pa sa harapan. Ang yaman siguro ng may-ari nito.

Nagsimula kaming maglakad patungo sa malaking front door na gawa sa isang matibay na kahoy, may nakaukit na mga anghel dito at iba't-ibang hayop. Hindi rin nalalampasan ng aking mga mata ang dami ng mga kalalakihan sa labas, pati ng mga sasakyang nakaparke sa labas katabi ang sasakyan ni Blaize.

Hindi na ako magtatakha na baka magkasalisi kami ni Callian dito. Ang tanga ko talaga! Palihim kong pinukpok ang aking ulo gamit ang aking kanang kamao. Pero bahala na, hindi ko na lang siya papansinin. 'Tsaka may 50% lang naman na baka magkita kami.

"Jareen! Mabuti at nagpunta ka! Good evening, by the way." Masayang bati ng isang lalaking nakasuot ng simpleng t-shirt na may markang 'fuck off', at pantalon.

"Good evening, Jake. Salamat sa pag-imbita sa'min." Ngiti ni Jareen dito.

"Pasok kayo." Sabi nito na kaagad din naming ginawa.

Kaagad kaming nabingi sa lakas ng tugtog ng musika sa loob. Klase-klase din ang amoy dito, pero mas naaamoy namin ang pheromones ng mga alpha. Mabuti nga at hindi iyon masyadong malakas, at baka magka-heat kami rito. Ang amoy ng alak sa hangin ay kapansin-pansin din.

Malaki ang sala nila, ngunit halos hindi ko na makita ang kabuuan nito dahil sa dami ng tao. Ang iba ay nagsasayawan, ang iba'y nag-uusap, ang iba naman ay umiinom na parang wala ng bukas. Nagkatinginan kaming pito ngunit mabilis na tumalima si Jareen at nagpatiuna sa paglalakad.

Mabilis kaming sumunod dito at nakita na lang namin ang kusina na napakalaki rin at tulad sa sala ay puno rin ng tao. Hindi ko inaakala na ganito pala karami ang mga taong kabatchmates namin.

"Ayon 'yong alak!" Parang butuin na nagningning ang mga mata ni Flame nang makita ang mga alak sa malaking countertop. Walang masyadong tao roon kaya mabilis namin iyong nalapitan at nanghingi ng dalawang bote ng alak at mga baso sa taong nagse-serve. Nagkatinginan kami at mabilis na nagpunta sa isang gilid na walang mga tao.

May lamesa at mga upuan naman kaya umupo kami roon at inilapag ang alak sa maliit na mesa.

"Dapat dinamihan mo 'yong alak, Reen!" Nakasimangot na sabi ni Flame.

"Matapang 'yan, Flame." Singit ni Blaize.

"Talaga? Mukhang hindi naman, ah? Parang tubig lang yata 'yan eh." Sagot ni Flame dito.

Colorless kasi ito, hindi katulad sa ibang alak na may iba't-ibang kulay.

"Sinasabi ko sa inyo, matapang 'yan." Babala nito sa'min habang umiiling. "Halatang hindi kayo umiinom."

Tinaasan ni Lance ng kilay si Blaize, "Umiinom ka ba, Blaize?"

Napatingin kaming lahat dito at nakitang umiling ito. "Si Daddy ang umiinom."

"Subukan na lang natin. Buksan mo na, Reen." Utos ni Flame kay Jareen na kanina pang nakatitig sa alak.

Lumaki ang ngisi sa mapupulang labi ni Jareen at sinunod ang utos ni Flame. Nang mabuksan ang takip no'n ay binuhos niya iyon sa mga baso at isa-isa kaming binigyan.

"Tikman mo, Reen." Utos ulit ni Flame sa kaibigan namin.

"Huh?! Bakit ako?! Ako ang nagbukas, ikaw naman."

"B-Bakit ako? Ikaw na lang, Lance." Pagpapasa-pasa pa nila.

Napaikot ang aking mga mata at itinaas ang pulang baso sa aking labi at inisang lagok ang alak. Ibang-iba ang lasa nito sa mga inumin na nasubukan ko. Mainit ito sa lalamunan, at napakapangit ng lasa. Matapos kong maibaba ang baso ay kaagad kong naramdaman ang pag-iinit sa aking pisngi. "M-Masarap naman siya."

A Good Night's MistakeWhere stories live. Discover now