special chapter 2

293 10 1
                                    

Blinding sunlight which showers the whole room, and a pleasing smell of a familiar food awoken my consciousness in that early morning. Iminulat ko ang aking mga mata at mabilis na umupo mula sa pagkakahiga sa malambot na kama upang tignan sana kung sino ang pangahas na pumasok sa bahay, ngunit nang aking maamoy ang pamilyar na pabango ni Jace na nakakagaan sa pakiramdam, natigil ako’t hindi maiwasang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. How could I forget that Jace was now living with me? Damn, I must be crazy. Mas lalo pang lumaki ang ngiting nakaukit sa aking mga labi nang makita ko ang gusot na bedsheet sa aking kanan, patunay na rito nga natulog sa aking tabi si Jace kagabi.

I removed the comforter that was covering half of my body, before I left the warm bed. Isinuot ko ang kulay itim na tsinelas na nasa baba ng kama bago naglakad papaalis sa aming silid. I open the door which leads to an empty hallway. Narinig ko kaagad ang bungisngis ng aking anak at ang magandang boses ng aking asawa, nanggagaling iyon sa kusina kaya mabilis akong naglakad patungo roon. And there I saw a view that I thought I would never see. Damn. I don't know why but these days, I get very emotional.

"Daddy!" Masiglang sigaw ni James sa akin nang makita ako. Nakaupo ito sa upuan, kaharap ang lamesa't lutuan kung nasaan nagluluto si Jace.

Napangiti ako't lumapit dito 'tsaka ginulo ang buhok nito. "Good morning, kiddo." Hinalikan ko ito sa noo.

"Good morning din po, Daddy! Ang late niyo naman pong nagising." Reklamo nito.

Natawa naman ako sa sinabi niya, "I'm sorry, but Daddy need some sleep."

"Bakit po?"

"James, your Dad is tired dahil sa work niya." Wika ng isang malamyos na boses.

Lumingon ako sa pinaggalingan doon at ngumiti rito. He also smiled at me, sweetly. Lumapit ako sa kaniya at patalikod itong niyakap, "Good morning, babe." Inilapit ko aking ilong sa kaniyang leeg para ito'y singhutin, "You smell so good, babe." I give him a kiss on his neck.

"Callian!" He warned in a whisper.

But I just smirked and bit his neck.

"Callian!" Malakas na ang boses niya sa ngayon.

I chuckled at his cuteness.

"Dad, why are you always hugging Dada po?" Tanong ng isang maliit na boses sa aming likod.

Lumingon ako kay James at ngumiti, "This is how I show my love, kid."

"Ano na naman ba iyang pinagsasabi mo riyan, Callian?!" Bulong nito.

Tinawanan ko lamang ito at muling isiniksik ang aking ulo sa leeg nito.

"So, when I grow older like you po ba Daddy, gagawin ko po 'yan kay Dada?" Inosenteng tanong ng aming anak.

Natigil ako't humiwalay kay Jace para harapin ang aming anak. I shook my head, "Remember, James, only I can do this to your Dada, okay?"

Nangunot ang noo nito, "Why po? You said po that's how you show your love, I love Dada po that's why po I want to do that to him din po."

Narinig ko ang mahinang tawa ni Jace sa aking likod ngunit hindi ko iyon pinansin. Sumasakit ang aking ulo dahil dito kay James.

"No, son, this is how you should show your love to your lover."

"Lover?" Tanong nito.

"Someone who you will love in the future."

"Love ko naman po si Dada eh."

Mas lalong lumakas ang hagikhik ni Jace. Napabuntong-hininga ako. This is so hard to explain. I saw Jace walked towards the table and put down the food he cooked. Lumapit siya kay James pagkatapos at umupo sa tabi nito.

A Good Night's MistakeWhere stories live. Discover now