chapter eighteen

560 30 10
                                    

Simula ng lumisan ang aking ama sa buhay namin ni Mama, tanging pagkamuhi na lang ang laman ng aking puso, wala ng natira upang malaman ko kung ano nga ba ang pagmamahal. Lumaki akong may galit sa mga alpha, lumaki akong hindi sila nagagawang mahalin dahil sa sakit at galit na iniwan ng aking ama sa aking puso. Kaya wala akong ideya noong una.

Napatitig ako sa repleksyon ko sa pinto ng elevator. Basa pa rin ang aking mga mata at ang mukha dahil sa tumulong mga luha. Pinagpapawisan ako. At ang mga hikbi ay palakas ng palakas. Habang ang aking puso ay parang pinipisil ng isang malaking palad dahil sa sakit na nararamdaman ko rito.

Pilit kong hindi pinapansin ang weirdong reaksyon ng aking puso sa tuwing may ginagawa o sinasabi sa'kin si Callian. Alam kong nahuhulog na ako sa patibong niya. Ngunit nang makita ko ang eksena sa opisina kani-kanina lang ay hindi ko inaakalang napakalalim na pala ng binagsakan ko. At hindi ko alam kung makakaahon pa ba ako. Mahal ko na si Callian. Mahal ko na siya, pinipilit ko lang iwaksi ang aking nararamdaman sa aking isipan dahil ayaw kong masaktan ulit. Pero ito at nasasaktan na naman ako... ng dahil sa isang alpha.

Mapait akong napangiti at itinaas ang aking mga palad sa aking mukha upang punasan ang basang luha rito. Sana pala iniwasan ko na lang siya. At sana pala hindi na lang ako nagpunta rito.

Kaagad akong lumabas sa elevator nang ito'y bumukas. Naglakad ako palabas ng gusali upang makaalis na. Tumayo ako sa gilid ng kalsada at naghintay ng masasakyan. Gusto ko ng umuwi sa bahay at iiyak lahat itong bigat sa aking dibdib, pero hindi ko gustong pag-aalahanin si Mama o si James. Siguro ay tatambay muna ako sa bahay ni Azael, o sa bahay ni Lance, o kung sinong available sa mga kaibigan ko.

Kaagad akong pinara ang taxi nang may nakita akong patungo sa direksyon ko. Nang huminto ito ay mabilis akong sumakay dito. Sinabi ko kaagad sa driver ang address na gusto kong puntahan bago ko tinignan ang bintana na nasa aking tabi at saktong nahagip ng aking mga kastanyong mata si Callian na palingon-lingon sa paligid, hinahanap ako. Bahala siyang maghanap. Wala na akong pakialam sa kaniya.

Kakalimutan ko na siya. Hinding-hindi na ako mahuhulog sa kaniyang bitag.

***

Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na kinuha kay Jace ang isang baso ng alak sa kaniya. Malapit na itong mawalan ng ulirat, tapos ito at gusto niya pang ubusin ang dalawang natitirang bote.

"Ano ba, Lance! Ibigay mo nga 'yan! Last na ih." Naiiyak niyang sabi at pilit inaabot ang basong hawak ko sa kanang kamay. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makahawak dito at inilayo ito sa kaniya.

"Jace! Kanina ka pa umiinom ng alak! Mag-aalas otso na ng gabi, tapos gusto mo pa ring uminom?! Alalahanin mo naman si James!" Singhal ko sa kaniya.

Muli kong naalala ang nangyari kaninang alas onse ng umaga. Abala ako sa pagluluto ng tanghalian no'n nang biglang tumunog ang doorbell ng hindi kalakihang apartment na sumira sa kapayapaan ng paligid. Pagbukas ko sa pinto ay bumungad kaagad sa'kin ang mukha ni Jace na napakahaggard at ang mga mata ay namamaga. May dala itong sampung bote na maliliit ng alak at nag-ayang uminom. Doon pa lang ay alam ko ng may problema ito. Hindi man niya sinabi sa'kin kung ano, pero alam kong may kinalaman ang lahat kay Callian.

Tumigil si Jace sa sinabi ko at lumuluha na namang tinignan ako, "J-James... Gusto kong makita si James." Mahina niyang bulong. Nagiging iyakin talaga ito kapag lasing.

"Teka, tatawagin ko si Tita." Paalam ko.

"H'wag!" Pigil niya sa'kin at hinawakan ang aking mga kamay. "G-Gusto kong makita si C-Callian."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Gusto ko siyang suntukin sa mukha!" Galit niyang sabi sabay hampas sa coffee table na gawa sa kahoy. Ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit.

A Good Night's MistakeWhere stories live. Discover now