chapter six

832 39 7
                                    

"Hijo, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ng taxi driver nang marinig ang pinipigilan kong mga hikbi habang nasa gitna kami ng biyahe patungo sa bahay.

Basa sa luha ang mukha na tinignan ko ito. Pilit akong ngumiti rito at pinahiran ang mga luha gamit ang mga palad. "A-Ayos lang po ako, Manong." Pagsisinungaling ko. Hindi ako maayos. Nagising ako na katabi si Callian sa iisang kama na nakahubad. Masakit ang aking balakang at p'wet. Alam kong may nangyari sa'min. Alam kong isinuko ko ang aking puri sa isang alpha na kinamumuhian ko. Isang taong hindi ko man lang mahal. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon, ngunit nangingibabaw ang galit sa aking puso. Galit ako. Galit na galit, hindi sa lalaking gumalaw sa'kin kung 'di sa'kin. Uminom ako ng alak kahit pa alam kong malalasing ako. Kapag nalalasing, nawawala ka sa iyong sarili. Alam ko iyon ngunit nagpakatanga pa rin ako! Nagpadala ako sa kalituhan ng isipan at init ng katawan. At ito ngayon, sinira ko ang isang pangakong sinabi ko pa kay Mama.

Para sasaan pa ba ang ipinaglalaban ko sa mga nambully sa'kin kung gano'n-gano'n lang pala at susuko na ako?

Isa akong walang kuwentang tao. Wala akong karapatang mabuhay.

Tinignan lamang ako ng matandang beta sa maliit na salamin na nasa aming harapan at hindi na nagsalita pa. Hinuha ko'y hindi siya naniniwala sa mga sinagot ko, pero hindi na ito nagtanong pa. And I prefer it that way. Hindi ko masasabi ang mga kabobohang ginawa ko sa isang taxi driver.

Nang makarating na sa tapat ng aming bahay ay doon ko na lang napansin na wala pala sa'kin ang aking wallet. Napamura na lang ako. Siguro'y naiwan ko 'yon sa kuwarto o sa sasakyan ni Callian.

"Hijo? Hindi ba ito ang tamang address?" Takhang tanong ni Manong nang hindi ako lumabas ng taxi makalipas ang ilang minuto.

"M-Manong, kasi wala akong dalang pera, p'wede po bang maghintay muna kayo rito saglit? Kukuha lang ako sa loob." Nahihiya kong sabi rito. Umagang-umaga pa lang, at may ginawa na naman akong mali.

"Oh, sige, hijo. Bilisan mo na lang dahil mamamasada pa ako." Tugon nito.

Tumango ako at mabilis na lumabas ng sasakyan. Mabuti na lang at mabait si Manong. Paika-ika pa rin ako habang naglalakad dahil masakit pa rin ang aking pang-ibabang bahagi ng katawan. Nagsisimula na namang mag-init ang aking mga mata habang naglalakad dahil naaalala ko na naman ang tagpo kanina.

Lumapit ako sa doorbell at pinindot iyon. Ilang sandali pa ay lumabas si Mama at natuwa nang makita ako. "Anak!" Masayang usal niya.

Ngumiti rin ako, ngunit hindi iyon umabot sa aking mga mata. "'M-Ma."

"Good morning! Bakit ang aga mo yata?" Tanong niya. "At teka, bakit ang daming pula sa leeg mo?" Dagdag niya nang mapansin ang mga markang iniwan ni Callian.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiwas ng tingin. "A-Ang dami kasing lamok kagabi, 'Ma. Pinapak kami." Pagsisinungaling ko. Good, Jace. Kapani-paniwala. Gusto kong kurutin ang sarili sa sariling kagagohan. Pinaningkitan ako ni Mama ng mga mata kaya mabilis kong iniba ang usapan, "'Yong taxi driver po pala sa labas, 'Ma, hindi pa nababayaran k-kasi nawala 'yong wallet ko."

Tinignan niya ang aking likuran at mabilis akong tinanguan, "Kukuha lang ako saglit ng pera, 'nak." Paalam niya bago pumasok sa loob ng bahay.

Nakahinga ako ng maluwag at hinintay siya sa gate. Mabilis siyang bumalik at binigyan ako ng pera. Pilit akong ngumiti kay Mama bago ako tumalikod at hinay-hinay na naglakad patungo sa taxi. Pinilit kong maglakad ng normal upang hindi ako tanungin ni Mama kung bakit ang weird ng lakad ko.

Ibinaba ni Manong ang bintana nang makita niyang nasa harapan na ako nito at ibinigay ko ang pera sa kaniya. "Salamat po." Sabi ko rito.

Tumango ito at kumuha ng sukli at ibinigay iyon sa'kin. Nang matapos ay mabilis din itong umalis sa harap ng bahay.

A Good Night's MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon