chapter sixteen

645 32 8
                                    

'Hoy, @Jace Mariano! Bakit hindi mo sinabi na si Daddy Callian pala ang Daddy niyo ni James?!' Basa ko sa chat ni Flame sa aming group chat.

Napailing ako at hindi sila nireply-an. Kahit hindi ko sinabi sa kanila kung sino ang ama, obvious naman na si Callian ang nakabuntis sa'kin. They were given hints. Gusto ko mang sabihan sila noon sa nangyari, hindi ko nagawa dahil ayaw kong pag-usapan si Callian dahil sa pinagsamang galit, takot at litong nararamdaman. Pero kung magkikita kami, sasabihin ko na sa kanila. I just wish that they won't sulk because of the decision I made. Gustong-gusto ko na nga silang makausap dahil baka may alam sila sa weird na nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw.

Nagsimula ito nang makita ko sa mga mata ni Callian ang mga mata niyang punong-puno ng emosyong hindi ko malarawan. At mas lalo itong lumala nang masuyo niya akong hinalikan sa noo nang maihatid niya kami ni James sa bahay.

"Take care of yourself and James for the meantime." Sabi nito nang makalabas kaming tatlo sa kaniyang itim na sasakyan bago dinampian ng halik ang aking noo.

Naaalala ko pa kung paanong nanlaki ang aking mga mata, ang pagbilis ng tibok ng aking puso, at ang mga paruparong lumilipad sa aking tiyan. After he did that, he left me with more questions inside my head. What the heck am I feeling?

Nang makapasok ako sa bahay noon ay tinadtad nila ako ng tanong dahil saktong nandoon sila Tito at Gab sa bahay. Kung bakit hindi ko sinabi kaagad na ang may-ari pala ng hotel ang ama ni James. Nagulat ako sa sinabi nila, hindi ko alam na si Callian pala ang may-ari ng hotel. Kung hindi nila sinabi 'yon, hinding-hindi ko malalaman 'yon. Parang walang balak na sabihin sa'kin 'yon ni Callian. Kung ibang alpha 'yon, nasisigurado kong nagmamayabang na sila.

Napatitig akong muli sa iba't-ibang bulaklak na nakalagay sa isang mamahaling vase na narito sa aking kuwarto. Ito ang ibinigay ni Callian kaninang umaga. Sa dalawang linggo rin kasing nakalipas ay walang araw na hindi niya kami binibisita sa bahay. Dumadaan ito bago pumasok sa trabaho tuwing umaga at bago umuuwi sa bahay niya tuwing gabi. Iba-iba ang ibinibigay niya araw-araw. Iba-ibang bulaklak, at iba-ibang pagkain. Minsan ay kumakain din siya rito ng hapunan. Pinapapasok kasi siya ni Mama sa loob.

Noong minsan siyang nag-day off sa trabaho ay ipinasyal niya kami ni James sa isang mall at kumain sa isang mamahaling restaurant. Binilhan niya kami ng maraming damit at kung ano-ano pang mga gamit na kung iisipin ay hindi naman namin kailangan. Pero tuwang-tuwa si James sa mga binili ng Daddy niya kaya hindi na ako nakaalma at hinayaan na lang siya, pera naman niya 'yon.

"Dada, I missed Daddy na po. Bakit po ba siya palaging nagwo-work?" Nakangusong tanong ni James na nasa tabi ko, nakahiga ito at ang matatabng braso sa aking baywang.

Hinaplos ko ang kaniyang buhok, "Para makabili siya ng laruan mo, 'nak." Sagot ko.

"But I wanna play with him po!" Ungot niya.

Natigil ang kamay ko sa paghaplos sa kaniyang ulo, "Nandito naman ako, ah? Tayo na lang ang magplay." Sabi ko.

"Pero, Dada, sabi ni Daddy hindi ko po kayo pagurin."

"Huh?" Ang tanging nausal ko.

"Sabi nga rin po ni Daddy na bantayan kita to protect you from the bad guys daw po."

Naramdaman ko ang paglakas ng tibok ng aking puso, at ang kakaibang mga flips na ginagawa ng mga insekto sa aking tiyan. A-Ano bang pinagsasabi ni Callian kay James?! Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay hindi nakikipaglaro si James sa'kin, at palaging nakabuntot habang may seryosong mukha.

"Daddy said din po kasi na i-ma-marry ka pa raw po niya kaya he don't want you to get hurt po." Dagdag pa nito.

Namula ang aking mukha sa sinabi nito at umiwas ng tingin. "A-Ano pa bang sinabi niya sa'yo, 'nak?" Tanong ko, nagkukunwaring hindi interesado habang pinaglalaruan ang buhok ni James.

A Good Night's MistakeWhere stories live. Discover now