chapter ten

729 33 4
                                    

"James Ian Mariano, ano na naman bang ginagawa mo?" Nakaangat ang isang kilay at nakapameywang habang tinitignan ko ang maliit na bata na ginugulo na naman ang kusina. Ewan ko talaga sa batang 'to kung kanino nagmana. Hindi naman ako ganito kakulit no'ng bata ako.

Lumingon ito sa'kin, ang asul nitong mga mata ay nagniningning na para bang dagat na tinatamaan ng sinag ng araw. "Dada! I'm looking something for us to eat." Proud na proud pa ito habang sinasabi 'yon. Humagikhik ito at nagpatuloy sa ginagawa. Nakabukas ang refrigerator habang nakatingkayad itong kumukuha ng mga pagkain. Ang ibang pagkain na hindi niya nagugustuhan ay basta-basta na lang nitong inihahagis sa sahig.

Akala ko may pumasok na magnanakaw dahil sa narinig kong kaguluhan kaya mabilis akong tumakbo patungo rito sa baba, pero ito lang palang batang 'to ang gumagawa ng ingay. Napailing na lamang ako at nilapitan siya. Nagsquat ako upang makaharap at makausap ko siya ng maayos.

Tumigil ito sa ginagawa nang makita ako sa kaniyang gilid at humarap sa'kin. "Why, Dada?" Tanong niya. Ang kaninang kumikinang na mga mata ay napalitan ng pagtatakha.

Hinaplos ko ang ulo niya, "James, you should've woke me up." Malamyos ang boses na wika ko. "You've made a mess again. Didn't we talk about this yesterday?" Kahapon din kasi ay gumawa ito ng gulo rito sa sala. Mga laruan naman nito ang kinalat kahapon.

Sumimangot ito sa'kin, "But I don't want to disturb you! I want Dada to sleep more, and I want me to make breakfast!"

Napangiti ako sa sinabi niya. "Halika nga rito." At kinarga ito. Tumayo ako habang karga ko siya. Dahil apat na taong gulang na ito at maglilima na next week, lumalaki na ang timbang niya kaya mabigat na ito. Halos hindi ko na nga siya nakakarga. Hindi na ito katulad no'ng dati na magaan lang sa braso. Naglakad ako patungo sa counter at nilagay siya sa highchair nito.

"Dada, I want to prepare food too!" Namamasa ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin nang maiupo ko siya sa kaniyang upuan. Nakasimangot na ito at tinitignan ako ng masama.

Nang masiguradong hindi ito mahuhulog ay lumayo ako sa kaniya upang puntahan ang kalat na ginawa nito. "No, son, I will make us breakfast. Kapag malaki ka na like me, you can make breakfast." Sabi ko rito at nagsimulang ligpitin ang mga kalat sa sahig.

"But, Dada! Granny said that I'm big now! I can make us breakfast now!"

Napailing na lang ako. Mag-a-anim na taon na rin simula nang maipanganak ko si James. Tanda ko pa noong una ko siyang mahawakan, he was so soft, so tiny, and so cute. Napaiyak ako no'ng una ko siyang kinarga at mayakap. Napakaanghel pa ni James noon ng baby pa siya, pero ngayon, ewan ko na lang! Napakatigas na ng ulo nito kahit 4 pa lang! Ang kulit din nito at walang araw na hindi ito gumagawa ng gulo sa bahay. Nag-aalala na nga ako kapag pumasok na ito sa school. Tiyak na sasakit ang ulo ng mga teacher niya.

"Dada!" Inis niyang tawag sa'kin nang hindi ko ito sagutin.

"No." Sabi ko at ipinasok sa loob ng ref ang mga napulot ko.

"Waah! Dada, you don't love me anymore?" Pagd-drama nito habang ngumangawa. Ito ang ginagawa niya sa tuwing hindi nito nakukuha ang mga gusto. Napakaspoiled. Dahil talaga 'to sa mga taong nakapaligid dito sa batang 'to.

Nang makakuha ng itlog at pancake mix sa ref, sinarado ko iyon at inilapag ang mga nakuha ko sa counter saka nilapitan ang anak ko. Hinawakan ko siya sa kaniyang pisngi, "Of course I love you, son, that's why I'm doing this." Hinalikan ko siya sa kaniyang noo para kumalma ito kahit papaano. Nagmana talaga ito kay Gabby sa pagiging drama queen. Palagi kasi nitong kasama ang isang 'yon.

"Okay, Dada." Sagot niya, nakasimangot pa rin. Alam kong hindi niya nagugustuhan ang mga sinasabi ko, pero hindi na siya kumontra pa at nagbehave na sa kaniyang upuan.

A Good Night's MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon