chapter three

844 42 6
                                    

Ngayong araw ang pinakakahintay naming lahat. Ang araw kung kailan matatapos na rin namin sa wakas ang senior highschool. Maraming nangyari sa highschool na 'to. May mga masasama at magagandang alaala na hinding-hindi ko kakalimutan.

Suot ang mga toga ay isa-isa naming hinihintay na tawagin ang aming pangalan. Nakaupo kami sa isang puting monobloc chair at tinitignan ang mga kabatchmates namin na natawag na. Alam naming nasa hulihan kami dahil wala naman kaming mga awards na makukuha. Kahit ano pang talino namin, hinding-hindi kami makakakuha ng matataas na marka dahil ayaw ng mga guro na mangunguna kami sa mga parangal. Dahil sanay na kami, pinipili na lang naming tumahimik. Ang mga reklamong gagawin naman namin ay mapupunta lang sa mga binging tainga.

Nang tawagin ang aking pangalan ay walang sumama na parent sa'kin dahil hindi nakasama si Mama. Mahina ang katawan ni Mama, at kahit gusto niyang sumama sa'kin ay hindi niya magawa dahil hindi niya kaya. Nagpakuha na lang ako ng picture upang ipakita iyon kay Mama mamaya.

Nang matapos naming kantahin ang graduation song, at natapos ang closing speech ng aming principal ay isa-isa ng nagsisialisan ang mga tao sa malaking gym ng school. Ngunit kaming magkakaibigan ay hinintay na matapos ang speech bago kami tumayo at umalis na pagkatapos naming isauli ang toga. Hindi kasi iyon binili at pinahiram lang. Hindi ko kasama ang mga kaibigan ko dahil abala rin sila at kasama nila ang kani-kanilang parents at mga kapatid.

Nakauniporme na lang ako ngayon habang naglalakad na papalabas ng school campus. Gusto ko ng humiga sa malambot kong kama at matulog na buong araw. Siguro hindi na lang ako sasama sa kalokohan ng mga kaibigan ko mamaya. Hindi ba sila nakakaramdam ng pagod?

Maganda ang panahon sa araw na 'yon. Maliwanag ang araw na naghahatid sa'min ng init. Hindi iyon masakit sa balat dahil hapon na at malapit na itong lumubog. Malakas din ang simoy ng hangin at ginugulo nito ang buhok kong sinuklay ni Mama ng maayos kanina. Ang mga ibon naman sa himpapawid ay natutuwa sa malakas na hangin at sumasabay pa sa pag-ihip nito.

Natigil ako sa pagmuni-muni at paglalakad nang bigla akong hinarang ng tatlong alpha, ito 'yong palaging nambubully. Normally ay apat sila ngunit hindi nila kasama si Dominick na ipinagtakha ko. Pero, teka, ano na naman bang problema nila? Akala ko ba hindi na nila ako guguluhin dahil tapos na naman ang klase.

Napatingin ako sa paligid at nakitang wala ng tao sa paligid.

Mas lalo silang lumapit sa'kin. "Jace, gugustuhin mo na lang bang matapos ang school year na 'to ng gano'n-gano'n lang?" Tanong ng nasa gitna habang nakatingin sa katawan ko.

Nanlamig ang aking katawan, at bahagyang natakot sa uri ng mga tingin nila sa'kin. Napalunok ako ngunit tinatagan pa rin ang sarili, "Wala na akong pakialam sa inyo. Tapos na ang klase at hindi na kayo makakagulo pa sa'min." Sabi ko habang masama silang tinitignan.

"Ito 'yon, eh. Ito 'yong mas nakakatakam sa'yo, Jace. Paano kaya kung tikman ka na namin ngayon? Total, walang makakaalam nito." Humakbang pa sila patungo sa'kin.

Nagsimulang mangatog ang aking mga tuhod kaya hindi ako nakaatras o makalayo man lang sa mga 'to. Ang aking puso ay parang tinatambol ng isang drummer sa lakas ng tibok nito. Alam nilang wala akong kalaban-laban at malaya nila akong mapagsasamantalahan kaya nila ito ginagawa. Nagsimulang uminit ang aking mga mata, may bukol na namumuo sa aking lalamunan.

May ngisi na nakaukit sa kanilang mga labi na hindi mabura-bura. Ang mga tingin nila ay masyadong malagkit. Nakakasuka. Gusto kong tumakbo, ngunit ang aking mga paa ay nanatili sa kanilang kinatatayuan. Nagsimula na ring tumulo ang aking pawis.

"Come with us, Jace, para hindi na tayo mahirapan pa." Sabi pa ng mga 'to.

Napalunok ako. Ang aking lalamunan ay nagsimula na ring matuyo at sa tingin ko hindi ako makakausal ng salita upang sigawan sila.

A Good Night's MistakeWhere stories live. Discover now