chapter fourteen

722 32 4
                                    

"Good morning." Bulong ng isang boses sa aking tainga dahilan upang magising ang aking katawan sa mahimbing na tulog.

Nangunot ang aking noo at inis na napaungot. Gumalaw ako para talikuran ang umepal sa aking tulog. Pagod ang utak ko. Napagod kakaisip sa isang alpha kagabi. Ngunit sa aking pagtalikod sa boses, ay siya namang pagharap ko sa sinag ng araw kaya mas lalo pang nawala ang antok ko. Pero gusto ko talagang matulog. I fucking need to sleep! Ala una na akong nakatulog kagabi!

"Mariano, wake up." Muling saad ng boses.

"Shut up! Natutulog pa 'yong tao, eh!" Singhal ko at itinaas ang comforter sa aking ulo. Iginalaw ko ang aking katawan upang humanap ng komportableng posisyon.

"Daddy, leave Dada alone na lang po muna. He's tired po." Sabi ng isa pang boses.

"Okay, then. Let's cook breakfast, son."

"Let me help you, Daddy! I'm big enough na po na magcook!"

Unti-unting bumalik ang aking antok, hanggang ang mga boses na aking naririnig ay unti-unti ring nawawala hanggang sa tuluyan na nga akong kinain ng matinding katahimikan at ng kadiliman.

***

"Dada! Dada!"

Mabilis kong naimulat ang aking mga mata nang marinig ang masayang boses ng aking anak na tinatawag ako. Ang nakatalukbong na kumot sa aking ulo ay inalis ko upang makita ang aking anak na malaki ang ngiti na nakaakyat na sa mababang kama. "Anong mayro'n, 'nak?" Bakas pa ang antok sa aking boses na tanong ko at umupo mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Kinuskos ko ang aking mga mata habang humihikan at pilit na pinapaalis ang antok na aking nararamdaman.

Lumapit ito sa'kin at umupo sa maliliit kong mga hita saka ipinalibot ang mga braso sa aking baywang. Itinaas nito ang ulo upang makita ang aking mukha. "Daddy said to wake you up po para mag-eat na po tayo ng breakfast. I helped him po sa pag-cook! I'm a big boy now, Dada!"

Napantig ang aking mga tainga at nangulubot ang aking noo sa narinig, "Daddy?" Si Callian?

Tumango-tango ito, ang ningning sa mga mata'y nakakasilaw na para akong binubulag nito. "Daddy Callian po. Sa totoo po niyan, Dada, Daddy tried to wake you up earlier kasi mag-eat daw po tayo sa labas po, pero nagsleep ka pa eh."

Nanlaki ang aking mga mata at naalala ang nangyari kanina. It wasn't a dream?! "But wait, why is he here?" Bumalik ang kunot sa aking noo.

Tumagilid ang ulo nito at kuryoso akong tinignan, "Why shouldn't Daddy be here, Dada?"

Mabilis akong umiling, "Naku, joke joke lang, anak. Inaantok pa kasi si Dada." Hilaw akong tumawa at napakamot sa aking pisngi. Well, sinabi nga niya kahapon na babalikan niya kami... Muling nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtantong importanteng bagay, "Wait, 'nak, nasaan sila Granny mo?"

"They left na po kanina pa, Dada." Ngiting sagot nito.

"Eh?!" Hindi makapaniwalang reaksyon ko at tinignan ang orasan na nasa bedside table at mas lalo pang nanlaki ang mga mata ng makitang malapit na palang mag-alas dies ng umaga. Ang usapan namin ay 9 am kami aalis ng resort, pero ito ako at kakagising lang! Patay, wala na akong pera upang magbayad ng extension na mag-stay dito. Bakit ba naman nila ako iniwan bigla?! "We should get out of here, son."

"And why is that, Jace?"

Natigil ako sa akmang pagtayo at mabilis na napalingon sa pinto kung nasaan nanggagaling ang pamilyar na baritonong boses. Bakit hindi ko man lang siya napansin? Nakita ko roon si Callian na nakasandal sa hamba ng pinto. He was no longer the weak Callian that I saw yesterday, bumalik na naman ito sa pagiging emotionless. Mabilis kong napansin ang suot nitong kulay itim na plain t-shirt na hapit na hapit sa kaniyang malaking katawan at khaki shorts, nakasuot ito ng tsinelas bilang sapin sa paa.

A Good Night's MistakeWhere stories live. Discover now