i. Heaven

7.5K 139 13
                                    

Humans are weird species. They love their own kind, but they also hurt the people they love. They push then they pull. I don't know kung paano nila natitiis ang ganoong sistema.


Dito kasi sa Palasyo, hindi kami ganoon. We don't hurt our own kind. Kapag may nagkamali sa amin, we don't hurt them physically and emotionally. We sympathize with them. We don't throw harsh words. We hope to teach this to humans kaya naman binigyan ni Bossing ng tig-isang anghel kada tao, para may nagbabantay sa kanila.


Pero, hindi naman namin madidiktahan ang kanilang mga kilos. They are still the ones who control their body. We just whisper things if we know that they'll end up in trouble and it's up to them if they'll follow us. We are their guardian angels, their conscience. We are called angelus custos, and I am Heaven.


We are not like the typical angels you see in movies and books. We don't have wings and halos. We don't usually wear white, and play harps and lyres. We function the same way as humans. We eat, drink, sleep, exercise, and reproduce. We also have parents, but we don't consider them as parents. We call each other as frater and soror. We consider each other as siblings, and incest is not an issue sa amin. Iba pa 'yung mga angels ni God sa amin. Ibang department 'yung mga 'yun.


We also live in Earth, but in a different dimension. For example, kami lang ang nakakakita sa mga ka-uri namin. Hindi kami nakikita ng mga tao. It is as if we're ghosts. Also, there are buildings na kami lang ang nakakakita, tulad ng Palasyo, kung saan nakatira kaming lahat; at ng ibang asylum kung saan pwede kaming magtago para makatakas sa mga kampon ni Ms. Lucy.


Teka nga muna, nasan na yung binabantayan ko? I have to find Theo, baka napano na 'yun!


I was born at the same time Theo was born. Ganoon naman kasi kung paano malalaman kung sino ang babantayan mo. The moment we were born, we already have a mission and it's not bound to be broken.


Habang hinahanap ko si Theo ay nakasalubong ko si Jael, isang frater.


"Jael, nakita mo ba yung alaga ko? Nawawala bigla. Saan na naman kaya napunta 'yun?" tanong ko kay Jael. Medyo pasaway kasi si Theo e kaya lagi kong binubulungan. Lagi namang napapahamak kaya laging napapagalitan sa tatay niya.


"Nandun sa may school garden, nagduduyan," sabi naman ni Jael. Nagpasalamat na ako at pinuntahan si Theo.


Habang naglalakad ako, nakasalubong ko ang isang soror na ginagawa na ang kanyang obsequium at nag-tanguan kami. Meron kasing point sa buhay namin na magiging tao talaga kami for one year at makikipaghalubilo sa binabantayan namin. Ang objective nito ay ang subukang baguhin ang taong iyon. I am excited and scared for my obsequium. May nabalitaan na kasi akong napahamak dahil nahanap ni Ms. Lucy, o kaya naman ay mas pinili nilang maging tao na lamang.


Ito ang mga fallen.


"T-Theo, I like you so much. Please tanggapin mo ang mga chocolates na dala ko para sa'yo. Ako mismo ang nagluto nito." Nakita ko ang isang payat na babae na nag-aabot ng isang kahon kay Theo. Namumula ang mukha nito pati na rin ang kanyang mga kamay. Si Theo naman ay nakatingin pa rin sa malayo kahit na nasa harapan niya ang isang babae.


"Ano ba, Theo! Tanggapin mo 'yan! Nakakahiya naman doon sa babae. Mukhang pinagpuyatan talaga niya 'yan o!" bulong ko kay Theo. Mukha namang narinig ni Theo ang bulong ko dahil umiling siya at tiningnan ang babae.


"Are you finished?" malamig na tanong ni Theo. Nanginginig na inangat ng babae ang kanyang ulo at unti-unting tumango.


"Go away. I don't eat chocolate. I don't like anything sweet," sabi ni Theo tapos ay humiga na naman sa damuhan. Gusto ko sana siyang sipain kaso alam ko namang tatagos rin sa katawan niya ang paa ko kaya useless lang din.


"Ano bang favorite mong pagkain para maluto ko para sa'yo?" tanong noong babae. Aba, matapang din pala ang loob nitong si ategirl. Taray ng fighting spirit! I saw the girl's angelus whispering something to her. Maybe she's saying na 'wag nang ipagpilitan ng babaeng 'to ang sarili niya kay Theo.


"Answer her nicely, Theo. Sabihin mo ang paborito mong pagkain. Just answer her nicely. If you want to dismiss her, then do it nicely," bulong ko. Please, sana makinig ka sa akin, Theo.


"No, I don't want anything. Just go. I want to be alone. Please," mahinahong sabi ni Theo. Huminga naman ako nang maluwag sa ginawa niya. Buti naman hindi niya sinigawan ang babae. Tiningnan ako ng angelus noong babae at nginitian ako. Ngumiti naman ako pabalik.


Binalik ko naman ang tingin ko kay Theo. Nakapikit ang kanyang mga mata habang masarap ang kanyang pagkakahiga sa damuhan. Naku, madudumihan pa polo nito! Paniguradong mapapagalitan na naman 'to. Tapos may klase pa 'to in twenty minutes.


"Hay, stress naman 'tong binabantayan. Seryoso, bakit ba sa iyo ako napadpad?" tanong ko sa sarili ko. Narinig ko namang nag-ring ang phone ko at ringtone ni Bossing iyon. High-tech din naman kami kahit papaano.


From: Bossing

Konting tiis lang 'yan, Heaven. Everything will fall into their right places.


Lakas maka-hugot nitong si Bossing, pero medyo umayos ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Minsan lang kasi makipagcommunicate sa amin si Bossing dahil marami siyang ginagawa kaya naman isang karangalan kapag natext ka niya.


Pinalagpas ko ang five minutes bago gisingin itong alaga ko. Syempre, may powers naman kami kaso hindi ko nga lang ginagamit madalas. Pero, emergency kasi ito dahil hindi madaling gisingin si Theo. Nag-ipon ako ng maraming hangin at nilagay agad iyon sa pwesto niya. Sa kabutihang palad, nagising naman siya pero nagtataka siya dahil sa biglaang lakas ng hangin.


"Gising na, may klase ka pa," bulong ko sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo niya at kinuha ang mga gamit niya. Pinagpagan naman niya ang polo niya na sa awa ng Diyos ay hindi nadumihan o kung ano man.


"Bwisit na hangin, natutulog 'yung tao e!" sabi ni Theo habang padabog na pumasok sa campus. Natawa naman ako.


Pagkarating ng gabi, umuwi na ako sa Palasyo nang masigurado kong tulog na tulog na si Theo. Doon lang kasi ang oras na pwede kaming magpahinga e.


Nakahiga na ako sa kama ko nang may kumatok sa kwarto ko.


"Pasok," sabi ko. Niluwa naman ng pintuan si Jael.


"Uy, hi Jael!" sabi ko at pinapasok ko siya nang tuluyan sa kwarto ko. Jael ang isa sa mga pinakaclose ko dito sa Palasyo.


"Pagod ka na?" tanong niya sa akin.


"Ayos pa naman. Bakit?"


"Pinapatawag ka ni Bossing e."


Nagulat naman ako doon sa sinabi niya.

Fallen.Where stories live. Discover now