xix. Too Obvious

1.8K 89 18
                                    

A/N: Sorry, nagkalagnat ako kahapon :(

=============



"Are you okay?" tanong ni Jax sa akin nang makasalubong ko siya sa gate.


"Huh?" tanong ko habang pinipigilang ngumiti. Nakalipas na ang isang araw pero hindi ko pa rin matanggal ang ngiti ko. Well, I am very happy!


"Ang creepy mo pala talaga," sabi niya sa akin tapos ay nauna nang maglakad.


Hinabol ko naman siya para malaman kung anong ibig sabihin niya.


"Anong ibig sabihin mo?" tanong ko at sumabay sa lakad niya.


"Wala lang. Kasi minsan, ang sungit mong tingnan tapos ngayon bigla kang nakangiti. Bipolar ka ba?" tanong niya.


"Hala, hindi!" sabi ko tapos ay humalakhak.


"Dapat ata ay nasa mental ka na!" 


"Grabe ka naman! Bully mo!" sabi ko sa kanya.


"Ay Heaven, pwede bang manghingi ng favor sa iyo?" tanong niya sa akin.


"Ano yun?"


"Kaso nakakahiya," sabi niya sabay kamot sa batok.


"Sus, nahiya ka pa!" wika ko at pinalo pa siya. Natawa naman siya at hinawakan ang braso niya.



"Aggressive mo pala,"
sabi niya sa'kin. "Ano kasi, kailangan kong mapasa iyong make-up quiz ko sa Chemistry. Pag bumagsak ako, di ako makakapaglaro this season," dagdag pa niya.


"Yun lang ba? Sure! Kailan ba?" tanong ko. Sinabi niya ang oras at sinabi niyang sabay na lang kami papunta doon. 


Hay, I miss Jael. Kailangan na kasi niyang bumalik dahil may umatake na naman sa Palasyo. At dahil bumalik na siya doon, hindi na siya naaalala ng mga tao. Ganoon kasi ang mangyayari kapag natapos na ang obsequium ng isang guardian--nabubura kami sa mga alaala ng tao. Depende na lang kung piliing mong maging Fallen na lamang.


At ngayong wala na si Jael, wala na akong kasama sa school. Bumalik na rin ako sa bahay nina Nanay Olivia at Tatay Peter. Masyadong malungkot kapag ako lang doon sa isang bahay.


Pagkapasok namin sa classroom, nakita kong nasa pwesto ko si Belle. Agad namang nag-init ang buong mukha ko. Nakita ko namang nagkakatuwaan sila ni Theo. Lalapit na sana ako nang napansin ko rin ang matalim na tingin ni Bree sa kanilang dalawa.


Then, I realized.. I'm starting to become like Bree. I shook my head para matauhan na ako. Ayaw kong maging ganoon. Pero, dahil sa pag-iling ko ay nahilo ako at muntikan nang matumba kung hindi lang ako hinawakan ni Jax.

Fallen.Where stories live. Discover now