viii. I'm Not Like The Others

2K 101 15
                                    

"Heaven! Heaven!" Ano ba naman yan?! Lilipad na sana ako para mahanap ang nawawalang si Theo pero may makakakita sa akin niyan!



Lumingon naman ako para tingnan kung sino iyon. Nakita ko naman si Thea na tumatakbo papunta sa direksyon ko.



"Bakit?" tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa akin.



"Pupunta ka na sa amin?" tanong naman niya.



"Oo sana e, kaso di ko alam kung paano yung papunta sa inyo. Hindi ko na rin kasi mahanap si Theo," sabi ko. Ang hirap pala talaga kapag nasa mission ka. Hindi mo pwedeng gamitin mga kapangyarihan mo kasi makikita ka ng ibang tao.



"Ah, diretso uwi 'yun. May driver. Tara, sabay ka na lang sa amin. Pauwi na rin ako e," sabi niya sa akin at hinatak ako palayo. Bakit ba ang hilig manghatak ng magkapatid na 'to?



Nang makarating kami sa gate ay napansin ko si Ran sa may tapat nun.



"Kasabay mo ba si Ran palagi?" tanong ko sa kanya. Ngayon ko pa lang kasi masusundan ang buhay ni Thea. Lagi naman kasi akong na kay Theo.



"Yep, parehas lang kami ng way e. Tara na! Baka mapuno na yung jeep," sabi niya sa akin at pumunta na kami sa terminal ng jeep.



"Kamusta araw mo ngayon? Inaaway ka pa rin ni Bree?" tanong ni Ran sa akin pagkasakay namin sa jeep. Nilibre niya kaming dalawa ni Thea ng pamasahe. Kailangan pa palang magbayad dito? Ibig sabihin, dapat nagbabayad din ako kay Tatay Peter kapag pumupunta kami sa school?



"Ah, hindi naman," sabi ko, kahit na nakatanggap na naman ako ng iilang sulat mula kay Bree. "May bago akong friend," dagdag ko sa kanila.



"Oh, yun ba yung kasama mo kaninang recess?" tanong ni Thea sa akin. Tumango naman ako.



"She likes Theo," sabi ko sa kanila.



"That's no surprise. Halos lahat ng ka-year niyo e may crush kay Theo," sabi naman ni Ran.



"I don't care. Basta ako, Heaven for Theo. TheVen!" sabi ni Thea at pumalakpak pa siya. Natawa naman si Ran sa sinabi niya at nag-usap pa silang dalawa.



Hindi ako pwede kay Theo. Hindi kami marunong magmahal. Guardians don't have a heart. We just love other guardians. We don't have the capability to love human beings. And, that is what makes a fallen. Through time, a fallen grows a heart. Unti-unting nagkakalaman ang chest area niya, making that guardian a fallen. Having a heart is not allowed in the Palasyo.

Fallen.Where stories live. Discover now