xxii. Sorry

1.6K 71 25
                                    

I just continued walking hanggang sa mapunta na ako sa vicinity ng isang college sa amin. Open sa public ang covered court kaya naman kitang-kita ko kung gaano karaming tao ang nandoon. It seems like may nangyayaring laro doon at sobrang ingay ng mga nagccheer. Malaki ang covered court.. kulang na lang ay mga pader para maging gymnasium na.


Lumapit naman ako sa guard para magtanong kung pwedeng libutin ang kolehiyo. Pumayag naman siya dahil ongoing pa raw ang enrollment for first semester. Napagtanto ko namang gusto kong mag-aral dito pero hindi ko alam kung ano na ba ang natapos ko. Maybe I should ask Mom later.


Naglakad ako sa gilid ng court at nakita kong meron ngang laro ngayon. Gusto ko mang manood eh hindi ko magawa dala na rin ng sobrang kaingayan. Sumasakit lang ang ulo ko kaya naman pinili kong pumunta na lang sa main building nila. Maybe, I should check the requirements for enrollment. Linapitan ko na naman ang isa pang guard para magpatulong. Tinuro naman niya ang mga direksyon at agad kong nahanap ang opisina ng registrar. Doon ay binigyan ako ng mga pamphlet at iilan pang documents na kailangan kong fill-upan kung sakali mang piliin kong pumasok doon.


"Ano bang balak mong kunin?" tanong ng registrar. Sa isip ko ay sinapok ko ang sarili ko. Wala pa pala akong naiisip na course! Sinabi ko sa registrar na hindi ko alam kaya naman binigyan niya ako ng listahan ng mga kursong inooffer nila. Nagpasalamat naman ako at lumabas na. 


Nagpasya naman akong ikutin pa ang iilang building dito at nakita kong may iilang estudyante ang nagmimidyear. Sa steps ng isang malaking gusali ay parang may nagsshooting pa na mga estudyante. Dire-diretso lang ako sa paglalakad para hindi ko sila maistorbo ngunit nang malagpasan ko sila ay hindi ko pa rin mapigilan ang hindi lumingon sa grupo na iyon. Naabutan ko na lang ang sarili kong nakatitig doon sa lalaki sa likod ng camera. 


Natatakpan ang kalahati ng mukha niya kaya naman ang kanyang bibig lamang ang nakikita ko, pati na rin ang kamay niyang nakahawak sa camera na para bang napakahalaga noon. Napa-iling na lang ako para mawala ang mga iniisip ko. I am overthinking everything. Imposibleng kakilala ko iyon dahil kung oo, kanina pa niya ako nilapitan.


Nang mapagod ako sa kaiikot ay bumalik na ako sa covered court para makalabas na at maka-uwi. Nakita ko namang natapos na ang laro at mga players na lang at iilang civilian ang nandoon. Diretso pa rin ako sa paglakad nang may humarang sa akin.


"Heaven! How are you? Ang tagal mong nawala!" sabi sa akin ng isang pawisan na player. Nakapatong sa kanyang leeg ang isang puting twalya habang sa isang kamay ay hawak ang isang bote ng Gatorade.


Is he talking to me?


"Hey, Heaven! Don't you remember me?" tanong niya ulit sa akin. 


Tiningnan ko na ang lalaking nasa harapan ko at nang magtagpo ang mga mata namin ay nakaramdam na naman ako ng familiarity.


"Uhm, I'm sure I don't know you," sabi ko sa kanya. Maybe he's mistaken me for somebody. My name is not Heaven. 


I am Eve.


***

"Theo, dinner's ready," sabi ko sa kapatid kong nakababad na naman sa laptop niya dahil sa isang short film na inaayos niya. For goodness' sake, second year college pa lang siya pero ang mga ginagawa niya eh pang-thesis na! Hindi rin para sa acads itong ginagawa niya.


Five minutes later, hindi pa rin bumaba si Theo kaya naman napagpasyahan kong katukin na siya.


"Theo, I'm going inside!" sabi ko at binuksan ang pintuan niya. 


Nadatnan kong nakatutok siya sa screen ng laptop niya. Agad ko namang hinanap kung saan nakapwesto ang mga kamay niya and I was relieved when I saw them in the right places. 


"Theo, ba't ba ang tagal mo? Lumalamig na ang pagkain! Ano ba yang tinititigan mo? Porn ba yan?" tanong ko sa kanya at sinilip din ang nasa screen niya. Nakita kong isang scene iyon sa latest project niya and nakazoom iyon sa isang babaeng tila dumadaan sa likod. Nakaloop iyon kaya naman hindi naalis sa babae ang focus.


"Holy sht, is that..?" 


I can't even finish my sentence!


Hindi na umimik si Theo at nanatili ang tingin niya sa screen.


I feel sorry for him.

Fallen.Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt