iv. Theo Dominic Reyes

2.3K 111 16
                                    

Nagising ako ng alas sais ng umaga para makapag-ayos for school. First time kong pumasok sa isang school. First time kong may gawing bagay na hindi pagbabantay sa alaga ko.


"Ready ka na ba?" tanong ni Nanay Olivia sa akin habang inaayos niya ang ribbon ko. Tumango naman ako.


"Remember, this world is not like the Palasyo. Ibang-iba ang mundong ito. This world is cruel and vile. It's a competition out there, on who's gonna last and who's gonna be at the top," paalala sa akin ni Nanay Olivia.


Tumango naman ako sa bawat sabihin niya.


I'm terrified pero I have to suck it all in. Kailangan ko 'to para sa alaga kasi if I fail, he fails also. We're connected, parang yung red string of fate. Well, not romantically.


Sama-sama kaming tatlo sa pagpunta sa school. Actually, dinrop lang kami ni Tatay Peter kasi may trabaho pa siya kaya kami na lang ni Nanay ang haharap dun sa tinatawag nilang Principal. Pamilyar na yung office dahil lagi namang nadadala dito sa Theo. Lagi pa siyang sinisigawan. Binubulungan ko na nga lang siya na magpa-sorry na pero iniilingan lang niya ang mga bulong ko.


"Mrs. Ramirez, good morning," panguna ni Nanay Olivia at bumati na rin ako. Maputi si Mrs. Ramirez. Singkit.


"Mrs. Ortega, thank you for choosing this academy as your daughter's school. I'll make sure na maayos ang pakikitungo sa kanya," sabi ni Mrs. Ramirez.


"Uhm, pwede po ba akong magrequest? Pwede po bang seatmate ko si Theo?" tanong ko bigla kay Mrs. Ramirez. Natawa naman si Nanay kaya pati si Mrs. Ramirez ay medyo tumawa na rin. What's so funny?


"Sure, Ms. Ortega pero may I know the reason?" tanong niya.

Anong isasagot ko?


"Uhm, siya pa lang po kasi kilala ko e. It is nice to sit beside familiar face,"

sabi ko at ngumiti. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Mrs. Ramirez.


"He approached you?"


"Hindi po. Ako po ang umapproach."


"Oh, I see. By the way, sorry I forgot, this is your class adviser, Ms. Pagaduan," sabi niya at lumapit sa amin ang isang petite at kulot na babae.


"You heard her request, Ms. Pagaduan, and welcome to Bloomfields, Ms.

Ortega," sabi niya sa amin. Tumayo na kami at lumabas ng office. Nagpaalam na rin si Nanay sa akin at iniwan ako kay Ms. Samonte.


"Halika na? tanong niya sa akin. Tumango ako at pumunta na kami sa classroom.


Magulo ang kwarto pagkarating namin. May mga nakatayo, may nagtatakbuhan, may nagsisigawan.


"Class, attention!" sigaw ni Ms. Samonte at umayos naman ang mga estudyante niya. Hinanap ng mata ko si Theo at nakita kong nakatitig siya sa akin. Kinawayan ko siya pero nag-iwas na siya ng tingin at humarap na sa bintana. Hay, sungit talaga.

Fallen.Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt