xi. Key

1.8K 94 16
                                    

"Are you okay, Heaven?" nag-aalalang tanong sa akin ni Nanay nang makita niya ako.


"Opo," sabi ko. Dinala ako ni Jael sa isang waiting shed na medyo tago para doon kami magkita nila Nanay at mapag-usapan namin ang mga nangyari.


"What happened, Jael?" tanong naman ni Nanay.


"May mga Forbidden na nag-aabang sa bahay niyo," sabi naman ni Jael. Narinig ko ang singhap ni Nanay. Hinanap ko naman si Tatay pero wala siya doon.


"Si Tatay po?" tanong ko kay Nanay.


"Nasa trabaho pa, anak. Anong plano ni Bossing tungkol dito?" tanong naman ni Nanay. Natotouch ako sa pag-aalala ni Nanay. Halos magdadalawang linggo pa lang naman ako sa puder niya pero todo na ang concern niya para sa akin.


"He wants you to move houses. O kaya kahit si Heaven lang. May insider kasi si Ms. Lucy kaya naman nalaman kung saan nagsstay si Heaven sa obsequium niya."


"Nahuli naman ba kung sino ang insider?" tanong ko. I can't believe na may magbebetray sa amin! Guardians are amiable creatures. We swore never to harm our fellow guardians kaya naman sobrang nagulat ako nang malamang meron pang tao sa loob si Ms. Lucy. Most importantly, I can't believe na binetray ako ng isang frater, or soror!


"Yes. He was instantly declared as Forbidden," sabi niya. Halata sa tono niya ang lungkot. Maging ako man ay nalungkot. Despite the situation, we lost a brother.


"Kailangan na nating hanapan ng tirahan si Heaven, ASAP," sabi ni Nanay.


"May kamag-anak pa po ba kayo sa Metro?" tanong ko. Bigla namang nagbeep naman ang phone ni Jael at agad niya iyong tiningnan.


"Si Bossing na raw po ang magpoprovide ng bahay. I'll go through my second obsequium," sabi ni Jael. Nanlaki naman ang mga mata ko. This is the first time na may uulit ng obsequium!


"Bakit ba sobrang determined ni Ms. Lucy na maging Forbidden ako?" tanong ko. I've never heard of a guardian na pinursue talaga ni Ms. Lucy. When other guardians are on their obsequium, hindi nagkagulo ang palasyo. There were some minor incidents pero hindi katulad nitong akin.


"You're her key," sabi ni Jael. Nanginig naman ang kalamnan ko nang malaman iyon.


According to the prophecy, Ms. Lucy needs a key to defeat the whole Guardian system. There were no hints to know who the key is.


"Paanong ako?" tanong ko.


"That's what we don't know. Even Bossing doesn't know. For now, you need to be safe. Wait here. Babalikan kita," sabi ni Jael tapos ay lumipad na para bumalik ng Palasyo.


"Are you scared?" tanong ni Nanay sa akin tapos ay hinaplos ang likod ko.


Fallen.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon