ii. Obsequium

2.8K 117 6
                                    

"Sure ka na tinatawag ako ni Bossing?" gulat kong tanong kay Jael. Hindi ko talaga ineexpect na tatawagin niya ako. Baka oras na para sa obsequium ko? Oh my gosh, hindi pa ako ready! Ang usual na nago-obsequium ay kapag nasa mid-20's na. 17 years old pa lang ako!


"Oo nga. Ang kulit talaga nito," natatawang sabi ni Jael at hinatak na ako palabas ng kwarto ko.


"Jael, may nagawa ba akong masama? Bakit kaya ako pinapatawag?" tanong ko sa kanya. Maybe, he has a clue! Close sila ni Bossing e.


"Aba malay ko sa'yo. Ano bang ginawa mo?"


Ay siomai (sorry, di kami pwedeng magmura), dahil ba dun sa sinabi ko kanina? Na bakit si Theo pa ang alaga ko?


"Siomai, dahil yata kanina."


"Ano bang nangyari?"


"Tinanong ko kasi kung bakit si Theo pa ang alaga ko tapos nagtext sa akin si Bossing. Hala, baka patalsikin na niya ako dito sa Palasyo!" sabi ko tapos ay tinanggal ang hawak ni Jael sa akin. Ayaw ko nang tumuloy sa opisina niya.


"'Wag ka ngang praning. 'Di ka naman siguro paaalisin kasi kung ganoon nga ang ganap, edi sana hindi ka na nakapasok dito," katwiran niya. Napa-isip naman ako.


Tama nga naman ang sinabi niya. Kung palalayasin ako, dapat kanina pa ginawa, dapat hindi na ako tinext pa ni Bossing.


"Baka obsequium mo na," dagdag ni Jael. Nanlamig naman ako. Mukhang ganoon nga ang mangyayari. Nako, paano ko 'to lalagpasan?


"Tingin mo?" Tumango na lang si Jael at tahimik na kaming naglakad papunta sa office ni Bossing.


Nang matapatan na namin ang kulay puting pintuan ni Bossing, bigla akong niyakap ni Jael.


"Good luck, Heaven. Isang taon lang 'yan," aniya. Niyakap ko rin siya.


"Kakayanin ko 'to," sabi ko tapos ay kumalas na. Iniwan niya ako sa tapat ng pintuan at ako naman ay kumatok nang tatlong beses tapos ay pumasok na.


Isang malaking kwarto ang opisina ni Bossing. May second floor pa nga e. Sa gitna ng first floor ay isang malaking grand piano habang puno naman ng bookshelves ang gilid nito. Ang nasa second floor naman ay ang kama ni Bossing pati na rin ang mesa niya.


"Heaven," tawag sa akin. Umakyat naman ako sa second floor.


"Bakit po?"


"Alam mo ba kung bakit kita pinapatawag ngayon?" tanong niya sa akin.


"Dahil po ba obsequium ko na?" nanginginig kong tanong. Humarap siya sa akin at tumango.


Hay, totoo nga. Sasabak na ako sa mundo ng mga tao.


"Pero bago ka pupunta sa mundo nila, kailangan muna kitang ihanda. Hindi madali doon. Maupo ka," sabi sa akin ni Bossing at umupo naman ako sa upuan na nasa harap ng mesa niya. Kumuha siya ng isang malaking envelope galing sa drawer at binigay iyon sa akin.


"Pag nakarating ka na doon, your name will Hera Evelyn Ortega, but your nickname may still be Heaven. You will be staying with the Ortegas. Olivia Ortega was once a soror," kwento sa akin ni Bossing.


"She's a fallen?" tanong ko.


"Yes, and she's willing to help us," sabi sa akin. Binuksan ko naman ang envelope at nakita kong nandoon ang birth certificate ko, iilang importanteng documents.


"Your luggage will be at your room pagkatapos mo dito, tapos noon ay sasalubungin ka na sa labas ng mga Ortega. Kapag may problema ka pa, pwede mo naman akong itext," sabi sa akin ni Bossing at pinalabas na ako sa opisina niya.


"Kailan po ako babalik?" tanong ko naman.


"The same date, next year. Remember, 'pag may nakaalam ng totoong identity mo, you're out. Unless you decide to be a fallen. Just be careful there, especially sa powers mo," sabi ni Bossing at tinapik ang ulo ko. Nagbow naman ako bilang respeto at dumiretso na sa kwarto ko. Nadatnan ko doon si Jael.


"So, you're really going?" tanong niya sa akin. Tinanguan ko naman siya.


"Halika nga dito," sabi niya at lumapit naman ako. Niyakap naman niya ako nang mahigpit. "Mag-iingat ka doon ha?" paalala niya sa akin.


"I can manage there. May mag-aalaga na sa akin. And para saan pa na guardian ako, diba?" paninigurado ko naman kay Jael. Alam kong nangangamba rin naman siya sa pwedeng mangyari sa akin. Natatakot din naman ako pero wala akong magagawa. We are destined to do this.


"Mag-iingat ka rin kay Ms. Lucy. I have heard that she's targeting those who are in their obsequium."


Ang Ms. Lucy na sinasabi ni Jael ay si Ms. Lucy Ferr. She is a fallen pero she went to the bad side. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam namin ay she wants everyone sa Palasyo na mawala kaya she's making her own army. We all have to be cautious.


"Sige, I have to go na para agad din akong makabalik," sabi ko at kinuha ang bagahe ko.


"Come back, okay?" sabi ni Jael habang hinawakan ang pisngi ko at tiningnan ako sa mata.


"I will," sabi ko at nagpaalam na sa kanya. Nagpaalam din ako sa mga frater at soror na nakakasalubong ko. Nang makalabas na ako ay nakita ko ang isang lalaki at babae na nag-aabang sa labas.


"Kayo po ba si Mrs. Olivia Ortega?" tanong ko doon sa babae. Isang maamong mukha naman ang humarap sa akin.


"Oo, ako nga 'yun. Are you Heaven?" tanong naman niya.


"Opo."


"Welcome to the human world," sabi niya sa akin tapos ay niyakap ako.

Fallen.Where stories live. Discover now