xii. Of Ideal Girls and Heavy Feelings

2K 95 27
                                    

Sorry ang tagal ng update :( Pre-enlistment na kasi namin :(

-----

Pagdating ng lunch, masama pa rin ang tingin ni Thea kay Jael. Habang sumusubo siya e tinatapon niya ng matalim na titig si Jael. Si Jael naman ay binabalik ang titig niya at paminsan-minsan ay ngingitian ito. Halata rin ang padarag na pagkagat ni Ran sa binili niyang burger sa canteen. At ang pagka-awkward ng lahat sa nangyayari sa mesa.


"Hm, okay! Introduce yourself naman, Jael!" sabi ni Yza para maibsan ang awkwardness.


"Simula pagkabata, magkaibigan na kami ni Heaven. We lived in the same neighborhood and we're raised practically the same way din. Hanggang sa lumipat na sila dito and I urged my parents to let me come home rin," sabi ni Jael.


"So, matagal na talaga kayong magkasama ni Heaven?" tanong ni Kerwin.


"Hm, oo. Siya lang naman kaibigan ko doon sa lugar namin," sabi ko.


"Why do you say it like your place is not on Earth?" Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Nakita ko naman si Theo na may dala-dalang paper bag na mula sa canteen.


"Oh, himalang nandito ka?" tanong ni Thea sa kanya.


"Bree's following me. Please let me in," pagmamakaawa niya sa ate niya. Sumipol naman si Ran at Kerwin.


"You come here," turo ni Thea kay Jael. Tumayo naman si Jael at pinaupo siya ni Thea sa tabi niya. "You, Theo, sit there," sabi naman niya sa kapatid niya sabay turo sa bakanteng pwesto sa tabi ko. Umupo naman si Theo sa tabi ko at binuksan ang paper bag niya. Nakita kong naglabas siya ng cheese sandwich na binibenta sa canteen.


"Ayan lang kakainin ko?" tanong ko sa kanya. Tipid naman siyang tumango sa tanong ko at kumagat sa sandwich niya. Nag-twirl naman ako ng pasta mula sa styro ko at in-offer sa kanya. "O, baka gusto mo. Kawawa ka naman," sabi ko sa kanya.


Syempre, ayaw ko namang magutom ang alaga ko. It's my mission to make sure he's okay.


"No, okay na ako sa sandwich ko," sabi naman niya at patagong chineck ang phone niya sa ilalim ng mesa. Baka kasi mahuli siya.


"No, kailangan mong kumain. Apat na oras pa tayo dito tapos sandwich lang kakainin mo? Kainin mo 'to!" sabi ko at tinapat na talaga ang tinidor ko sa bibig niya.


"God, you sound like my Mom," sabi niya pero kinain pa rin niya ang nasa tinidor dahil pinanlakihan ko na siya ng mata.


"Yes! TheVen rules!" masayang wika ni Thea. "See that? Wag mong sisirain yan ha, kundi sisirain ko ang mukha mo," banta ni Thea kay Jael.


"Sigurado ka bang sisirain mo talaga ang mukha ko? Wala ka nang tititigan non," sabi naman ni Jael. Napa-whoo naman ang mga babae sa sinabi ni Jael habang si Ran ay mukhang Good Friday ang araw.


Kung sanang sabihin na lang niya kay Thea ang lahat... Pero, hindi ko naman sila dapat bantayan. As much as I want to help, masyado nang malaki ang load ng mission ko kay Theo pa lang.

Fallen.Where stories live. Discover now