x. Danger

1.8K 99 13
                                    

As expected, late na akong nagising the next morning. Chineck ko naman ang indicator ng phone ko at nakitang hindi pa iyon naka-ilaw. Nakahinga naman ako nang maluwag. Kagabi kasi ay puro siya tanong kung bakit ko siya pinapasok na.


Ms. Lucy is back. Siguro ay humina na ang shield na nilagay ni Bossing sa amin kaya naman nagawa na niyang makalabas.


We're both in trouble, especially ngayong sobrang vulnerable ko. I can't just use my powers in public. Ni hindi ko rin makausap nang maayos sila Jael dahil magtataka sila kung bakit kinakausap ko ang hangin. Kaya naman buong gabi kong tinetext si Jael para sa mga detalye.


From: Jael 

 Nothing's clear yet, pero nadedetect na siya ng radar ni Bossing. You should be careful.


To: Jael

 Anong balak niyong gawin ko?


Sobrang clueless ko. Well, nagkaroon na rin naman kami ng drills sa mga measures na gagawin pag dumating siya at inatake kami pero iba pa rin kapag alam mong anytime e pwede siyang sumulpot.


From: Jael

 Just do kung anong mga tinuro sa drills and you'll be safe. I'll ask for more. Don't worry.


Medyo na-secure naman ako sa text ni Jael. Pero hindi totally secured, syempre andoon pa rin ang fear.


Nang bumaba na ako sa dining room nila Theo, naabutan ko na sila doon na nagbe-breakfast. Well, except kay Theo na sa tingin ko e natutulog pa rin hanggang ngayon. Hindi pa rin kasi umiilaw yung indicator.


"Hey, you're up!" bati sa akin ni Yza. Nginitian ko naman sila.


"Good morning!" sabi ko sa kanila.


"Bakit ka pala tumayo kagabi?" tanong ni Kerwin. Natigil naman silang lahat sa pag-kain at inabang ang sagot ko.


"Uh, may tumawag kasi. Kaya sinagot ko sa labas," sabi ko sa kanila. Tumango naman sila.


"Bakit ikaw nakagising ka pa nun?" tanong ni Drea sa kanya. Napa-ubo naman si Nikki sa tanong ni Drea.


"May inabangan ako sa Facebook," sabi ni Kerwin. Bigla namang nagsalita si Thea mula sa kusina nila.


"Sino pang gusto ng pancakes?" tanong niya.


"I do! I do!" sigaw ni Ran habang nagmamadali na pumuntang kitchen.


"Ibang klase talaga," sabi ni Nikki habang umiiling. Bumalik naman si Ran at tinanong ako kung gusto ko rin ba. Um-oo naman ako at kinuha niya ang plato ko para malagyan.


Nang matapos nang maluto ni Thea ang mga pancakes ay sinamahan na niya kaming kumain. Inalala naman nila ang mga nangyari noong nakaraang linggo at lagi silang tumatawa.

Fallen.Where stories live. Discover now