ix. Back

1.8K 99 18
                                    

"Truth or dare! Let's play truth or dare!" masayang sabi ni Drea. Tiningnan ko naman habang nagfoform sila ng isang malaking bilog.


What are they gonna do? Gagawa ba sila ng ritual? Ganito kasi ang nakikita ko sa Palasyo kapag umaatake si Ms. Lucy.


But, it's impossible! They're not guardians! Paano nil gagawin 'yon?


"Heaven, halika na! Ano pang ginagawa mo?" pag-aya ni Nikki sa akin.


"Uhm, ano bang gagawin niyo?" tanong ko sa kanila. Saglit silang natigilan sa tanong ko at biglaan nila akong pinaulanan ng mga tanong.


"Totoo? Di mo alam 'to?"


"Di nga? Seryoso ka?"


"Di ka pa ba naglalaro nito?"


"Saang lupa ka ba nanggaling?"


Tawang-tawa naman ako sa mga reaksyon nila dahil parang malaking kawalan para sa akin ang hindi malaman ang larong iyon.


"I swear, hindi ko talaga alam!" sabi ko sa kanila. Sabay sabay naman silang nagbuntong hininga at tinuruan akong maglaro.


So you just have to turn the bottle and kung sinong matatapatan nito ay dapat pumili ng dalawang truth, or isang dare. Masyado raw kasing madali ang truth kaya naman dinagdagan nila para kaparehas ng dare.


Ilang minuto rin ang tinagal noong larong iyon at isa-isa na silang pumasok sa kwarto ni Thea. Sila Kerwin at Ran ang nakahiga sa sahig habang kaming lima naman ay nagsiksikan sa kama ni Thea. Ayos lang naman dahil malaki ang kama niya.


Ang kaso ay hindi ako makatulog. Umiilaw pa kasi ang indicator sa phone ko. Ibig sabihin ay hindi pa tulog ang aking binabantayan. Hindi ako pwedeng magpahinga hangga't di pa siya nagpapahinga.


Bumangon na ako at pumunta sa may kusina nila. Tahimik na ang buong bahay nila kaya naman hindi ko alam kung nasaan siya. Nang tingnan ko naman ang kwarto niya ay wala siya d'on.


Nasaan naman kaya iyon?


Pumunta ako sa may labas nila at narinig ko ang mahinang tugtog ng gitara. Hinanap ko naman iyon kaya naman napalabas na ako sa kalsada.


"Why are you still awake?"


Napatingin naman ako doon sa nagtanong sa akin. Nakita ko naman si Jael na nasa harapan ko. Nginitian ko naman siya.


"Don't move, baka may makakita sa iyo. They don't see me, remember?" sabi niya sa akin nang yayakapin ko sana siya. Tumango naman ako.


"Get your phone and pretend you're talking to someone," sabi niya sa akin. Sinunod ko naman ang inuutos niya. Sobrang talino pala talaga ni Jael.

Fallen.Where stories live. Discover now