xiii. Remembering and Forgetting

1.8K 106 35
                                    

"Who's your type?" tanong ko. I need to find that girl. I need her to help me. My clock is ticking and I don't want to waste another day.


"Why would you want to know?" he asked. His piercing eyes never left mine and I'm starting to feel that overwhelming feeling in my chest again.


"Wala lang. Gusto ko lang siyang makilala," sabi ko. Well, isa na rin iyon. Gusto kong malaman kung anong klaseng babae ang kayang magpatino sa lalaking ito.


"Hm, I'm starting you're gonna stalk her," sabi ni Theo and he gave me a lopsided smile.


"Ikaw ha, ngumingiti ka na ngayon! Anong nakain mo?" tanong ko sa kanya.


"Wait, isn't that line in a commercial?" nagtatakang tanong niya at tumawa.


"Whatever. Binabago mo kaya yung topic! Dali, sino na nga yung type mo?"


"Basta," sabi niya.


"Daya nito," sabi ko.


"I'll tell mine if you tell me yours," sabi naman niya.


"But, I don't have a type!" sabi ko pa sa kanya.


"Are you serious? I think type mo si Jael," sabi niya sa akin at umiwas ng tingin.


"Jael? No! He's a friend, like all of you," sabi ko.I can't imagine myself in a romantic relationship with Jael. We grew up together and we know each other's deep and dark secrets. For me, it would be weird.


"Then, baka si Jax ang gusto mo. Damn it, why am I here gossiping with you?" naiinis na tanong niya at ginulo pa niya ang buhok niya.


"Ikaw naman 'tong nagtatanong bigla kung sinong type ko tapos ikaw pa 'tong naiirita," sabi ko.


"You asked for my type so I must ask yours. Equality naman," sabi niya.


"I don't have a type nga. Sa dugo ba, ayos lang? I'm Type A+!" sabi ko sa kanya na naging rason kung bakit siya biglang humagalpak sa tawa.


"Then, kung blood type lang din ang usapan, then I'm Type A+, as well," sabi naman niya sa akin. Kukulitin ko pa sana siya nang biglang may kumatok sa pintuan. Tumayo naman si Theo at binuksan ang pintuan.


"Eo, kain muna kayo ng merienda. I'm sure gutom na rin si Heaven," sabi ng Mama niya. Tumango naman si Theo habang ako ay inayos ang mga libro na nakakalat sa study table.


"Ako na d'yan. Baba ka na lang doon," sabi niya sa akin. Sinunod ko naman siya at bumaba na ako patungo sa kitchen nila.


"Wow Tita! Nagluto pa po talaga kayo ng pasta?" tanong ko kay Tita na nagggrate ng cheese para sa carbonarang ginawa niya.

Fallen.Where stories live. Discover now