vii. Monkey Guy

2K 92 13
                                    

I just stared at Theo dahil wala pa kaming teacher. He's always there when I need him. Ano naman kayang gagawin ko sa kanya.



"Stop staring at me," sabi niya sa akin habang nagsusulat siya sa akin. Kinakausap niya ako pero hindi naman siya nakatingin sa akin.



"Ano, thank you pala kanina and nung kay Bree," sabi ko sa kanya. Narealize ko na hindi pa pala ako nagpapathank you sa kanya.



"It's nothing. Lahat ng ginugulo ni Bree, pinupuntahan ko talaga. They're my responsibility," sabi niya sa akin.



"What? Bakit mo naman sila responsibilidad?"



"They are tortured by Bree kasi nilalapitan nila ako. Kaya you have to be extra careful, lalo na kapag nalaman niyang ikaw ang tutor ko," sabi niya sa akin.



"What is she capable of?" tanong ko. I need to be ready. Hindi pwedeng masaktan ako dito. Hindi pwedeng lagi na lang si Theo ang poprotekta sa akin dito. It must be the other way around.



"She's different every time. Just be ready. Lagi naman akong nakabantay," sabi niya sa akin.



"No, I want to face her alone. Please, just focus on your studies," sabi ko sa kanya. Alam kong bagsak siya sa mga tests niya. Alam ko ring alam niya ang mga sagot pero mas gusto niyang imali ang mga sagot niya.



"Psh. Whatever," sabi niya at nagpatuloy sa pagsulat.



Wala pa rin ang teacher namin kaya naman naisipan kong kausapin na 'yung babaeng nasa harapan ko. Siya 'yung nagbibigay ng chocolates noon kay Theo pero tinanggihan ni Theo.



Kinalabit ko siya at humarap naman siya sa akin. "Hi! Anong name mo? Di pa tayo nag-uusap e," sabi ko sa kanya.



"I'm Belle," sabi niya sa akin.



"Hi Belle! Sabay tayong mamayang recess? Wala pa kasi akong kaclose na kaklase natin. Please please?" tanong ko sa kanya.



I believe Belle can change Theo. Alam kong kapag lalo pa silang naging magkakilala e may magbabago kay Theo.



"Pwede rin ba akong sumabay maki-lunch sa inyo?" tanong ni Yours. Magulo ang lalaking 'to. He told me his name is Yours pero Jax ang tawag sa kanya ni Theo.

Fallen.Where stories live. Discover now