xxvii. Sinarado

1.5K 68 9
                                    

xxvii.

"Tao po? May tao po ba?" tanong ko nang makapunta na ako sa harapan ng bahay nila. Ang alam ko ay dito nakatira si Heaven dati. Mahigit isang taon na ring walang tao rito kaya naman nagulat ako nang may nakita akong kotse na nakapark sa may garahe nila.

Ilang sandali lang ay nakarinig na ako ng mga yapak kaya naman inayos ko ang buhok ko para kahit papano e magmukha akong presentable.

"Bakit?" tanong noong babaeng nagbukas ng pinto. She is Heaven's mom! Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya nang makita niya ako.

"You're Heaven's mom, right? Where is she?" tanong ko.

"Oh, you must be talking about my niece. I'm sorry but they migrated already," sabi niya sa akin kahit halata naman sa mukha niya na nagulat siya sa pagkakita sa akin.

"Ma'am, please, if you're not saying the truth, just say it to me straight. Bakit niyo po binago si Heaven?" tanong ko. Ipipilit ko pa rin ang alam ko. It's too much of a coincidence.

..pero bago pa masagot ang mga tanong ko ay pinagsarhan na ako ng pinto.

xyz

"Let's go na, beh! Sali na kasi tayo sa task force!" pagpupumilit ni Patty sa akin. Kahapon pa niya ako pinupush na sumali sa task force ng student council ng university. Ayos lang naman kasi sa akin. Ang kaso lang, iniisip ko rin na baka mahirapan din ako dahil marami rin kaming ginagawa. First day nga ng classes, may homework na agad. Saan ka pa diba?

"Ano bang gagawin ko doon? Baka naman kasi hassle!" sabi ko ulit sa kanya. Ayaw ko namang ibagsak ang unang taon ko sa unibersidad.

"Di naman daw! Yung ate ko nag-task force nung freshie siya. Ayos naman daw. Tsaka more friends! Malay mo mahanap mo na pala si 'the one', diba?" pang-iinis niya.

"Ikaw talaga, puro love nasa isip mo! Mamaya bumagsak ka sa Math nyan, eh!"

"Eto talaga, ang negative mo mag-isip. Ganito na lang, attend lang tayo ng orientation tapos kapag ayaw mo, wag ka na lang mag-sign up para sa mga committees, okay?"

Tumango na lang ako dahil wala naman akong ibang magagawa. Ipipilit pa rin naman niya na sumali ako kapag tumanggi ako so might as well pumayag na ngayon kesa humaba pa ang usapan namin.

Napa-clap naman siya at hinila na ako papasok sa room kung saan magkakaroon ng orientation. Ilang minuto lang e napuno na agad ng mga flyers ang kamay ko dahil sa dami ng orgs na nagrerecruit.

Nang maka-upo na kami ay agad akong kinausap ng katabi ko. "Hi, I'm Janine! What's your name?" tanong niya.

"I'm Eve," sabi ko tapos ay tinanong niya kung ano ang course ko at kung anu-ano pa. Nalaman kong second year na pala siya at ngayon lang niya naisipang sumali. Nanahimik na lang siya nang dumating na ang emcee para sa orientation.

"Welcome freshies!!" sigaw niya at nagsimula na ang programa.

Masaya naman yung program. In fact, I enjoyed it at balak ko na talagang sumali.

"See, I told you so," bulong sa akin ni Patty habang finifill-upan naming iyong papel na ibinigay. Kailangan kasi naming pumili ng top three sa mga committees na nagpresent at sa Monday ay icocontact na kami ng mga committee heads namin.

"Oo na, oo na. Edi ikaw na. Pabida much?" biro ko sa kanya at tinuloy ang pag-iisip kung anong sasalihang committee.

Inalala ko naman ang mga nagpresent kanina. Nagustuhan ko ang presentation ng Sports and Fitness Committee, at ang Gender Committee. Ang problema ko ay ang pangatlong committee na sasalihan ko. Pantay-pantay na lang kasi sila para sa akin pero parang mas nahihila ako sa Mass Media. Although wala iyong committee head, naipresent naman nang maayos noong isang miyembro.

"Tapos ka na?" tanong ni Patty. Dali-dali ko namang minarkahan ang Mass Media at ipinasa na doon sa registration booth.

"Anong sinalihan mo?" tanong niya ulit sa akin.

"SpoFi, Gender, at MM. Ikaw?" tanong ko naman.

"SpoFi rin, tapos Ways and Means, at Career Assistance. Konti lang ang chance na magka-committee tayo. Sayang naman," panghihinayang ni Patty.

"Ano ka ba, ayos lang yan. Parehas naman tayong magtatrabaho kaya parang wala lang din iyon. Iba nga lang tatrabauhin natin," paga-assure ko sa kanya.

"Ano, uwi ka na?"

"Oo, e. Late na kasi," sabi ko tapos ay nagpaalam na sa kanya.

Habang naglalakad ako pauwi ay nakasalubong ko si Ate Thea.

"Hi Eve! Uwi ka na ba?" tanong sa akin ni Ate Thea. "Gusto mo bang maki-hangout muna sa amin? It's a Friday naman oh!" sabi niya.

"Ay, papaalam pa kasi ako kay Mom eh. Wait lang, I'll call her," sabi ko sabay excuse sa sarili ko. Mahirap kasing gumala tapos hindi nagpapaalam sa magulang. Mamaya maground pa ako nito.

"Hello, Mom?" tanong ko nang sagutin niya ang tawag ko.

"Hm?"

"Mom, may nagyaya po kasi sa akin na classmate. Pwede po ba akong sumama?" tanong ko.

"Anong gagawin niyo?"

"Sleepover po siguro. Don't worry po, babae naman po iyong nagyayaya sa akin."

"Anong address?"

"Saglit lang po," sabi ko tapos ay nilapitan si Ate Thea.

"Ate, ano raw address niyo?" tanong ko. Ibinigay naman niya at sinabi ko iyon kay Mom. Fortunately, pinayagan naman niya ako.

"Pero, ate wala pala akong damit," sabi ko.

"Ayos lang yan," sabi niya sa akin tapos ay hinila ako papunta sa bahay nila.

-----

Hi bbs, sorry ngayon lang nakapag-update. Super busy sa acads bc #freshie :(((( Tangna mahirap sa college :(((( pls bear with me and all of my shits :((( sorry ang pabebe ko :(((

Fallen.Where stories live. Discover now