xxx. Free

1.6K 75 4
                                    


"Oh my gaaaawd!! This is how everything starts!" 


"You look stupid," sabi ko kay Patty. We're at The Patio, a small cafe sa tabi ng university. They serve the best coffee and may mini-library kaya naman dito kami tumatambay ni Patty.


"This is the look of kilig. Alam mo ba 'yon ha. Manhid ka kasi, di mo nararamdaman yon," sabi naman niya.


"Bakit naman kasi ako kikiligin. Wala namang nangyari."


"Anong wala? ANONG WALA? Ayos ka pa ba? Di ka ba nawindang dun sa ginawa niya? Gusto raw niyang umulit kayo!! Ibig sabihin, gusto niyang magbago ang impression mo sa kanya." Kulang na lang ay magwawala sa loob ng cafe si Patty. May kasama pang mga hampas ang ginagawa niya sa akin. At ang mahampas ng isang volleyball player? MASAKIT!!


"Wag mo nga akong hampasin! Namumula na nga braso ko dahil sa iyo. And, wala namang meaning yung nangyari. You're just overthinking!"


"Ah basta. I know that what I know is true. So, ano na lang ganap sa committee niyo? Buti pa kayo nag-GA na! Kami, next week pa."


"Ayun, sumali ako sa Marketing cluster. Di naman ako marunong mag-photoshop kaya di ako pwede sa Advertising. Sa Publishing, kailangan doon mga writers and di ako ganoon kagaling magsulat ng articles."


"Pabibo ka naman kaya bagay ka sa Marketing."


"Huy, grabe 'to! By the way, nagawa mo na assignment sa Phil Hist? Paturo naman oh!" sabi ko sa kanya. Buti na lang nilabas niya agad ang mga readings niya at tinuruan ako.


The day after, nagkaroon na naman kami ng cluster meeting. Pero, this is a bit more intimate kesa doon sa general assembly. Dito kasi, ang mga kasama na lang sa cluster ang aattend, and of course, Theo (I insisted in calling him Kuya Theo pero he told me to drop the formalities). Sa isang maliit na cafe rin gaganapin ang meeting. Buti na lang at malapit lang ito sa Patio kaya agad kong nahanap.


Pagkarating ko doon, agad kong nakita si Kuya Vince and si Ate Brigitte, ang cluster heads namin. 


"Hi Eve! Buti naman naka-attend ka. Wala kang curfew?" tanong ni Ate Brigitte. 


"Nagpaalam naman po ako sa bahay," sagot ko.


"Nako, wag ka nang magpa-po! Magkaka-edad lang tayo dito," biro ni Kuya Vince. It's hard not to say po sa kanila pero I'll try my best. 


"Vince, kumpleto na ba kayo?" Lumabas mula sa comfort room area si Theo. Wow, he's here already? Akala ko sila Kuya at Ate pa lang at ang iilang members ang andito. I was kinda expecting him to be late. Ganoon naman minsan ang mga head ng mga committee diba? Oh my god, I'm stereotyping. And, worse, I'm babbling!! What am I doing in my mind? Stop your thoughts, Eve!


"Are you okay?" Di ko napansin na malapit na sa akin si Theo. This is what happens when you think of random AND useless thoughts, Eve! Get a grip, woman!

Fallen.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon