xviii. Bursting with Joy

1.8K 88 8
                                    

"Are you trying to kill that pork chop?" tanong ni Yza sa akin.


"Huh? No!" sagot ko naman sa kanila at bumalik ako sa ginagawa ko.. ang marahas na paghihimay sa karne na ulam ko ngayon. Simula noong nagcollapse ako, hindi na nila ako hinayaang hindi kumain kapag lunch.


"Teh, patay na yan. Wag mo nang i-double dead," sabi naman ni Nikki sa akin.


"Kumakain lang naman ako nang maayos ha!" sagot ko kahit na sa totoo ay naiirita na ako. 


Paano ba naman kasi, lagi na lang magkasama si Belle at Theo! I don't even understand kung bakit ganito na lang ako kagalit dahil ito naman ang gusto kong mangyari in the first place. I want Theo to get close with Belle para naman may maipasang good traits si Belle dito kay Theo. Pero, ngayong nangyayari na? I feel like I just dug my own grave.


"Ah, nagseselos kasi siguro 'to," sabi naman ni Kerwin habang tinuturo ako gamit ang tinidor niya.


"That's rude!" sabi ko naman sa kanya at dali-dali niyang binaba ang tinidor niya.


"So, nagseselos ka talaga?" tanong ni Drea sa akin.


"What? No!" I said in a high-pitched voice. 


First rule of lying: Never use a high-pitched voice.


"Ay, ang obvs mo, ategirl," sabi ni Thea sa akin at nagpatuloy na lang ako sa pag-kain. Kung pwede lang ilublob ang sarili ko sa kanin ay kanina ko pa ginawa. Si Jael naman ay nakikitawa na rin sa kanila.


"Hey, ikaw dapat kakampi ko!" sabi ko sa kanya at siniko ko pa siya. Nilabas lang niya ang dila niya at ininis ako. Grr.


"Ba't di mo ba sabihin kay Theo?" tanong ni Ran. Lahat naman ay napatingin sa kanya.


"Woah, dude. Kain ka pa nga," sabi ni Kerwin at sinubuan siya ng kanin.


Mukhang nabigla si Ran dahil isang tipak ng kanin ang pinasubo sa kanya ni Kerwin. Dali-dali naman siyang binigyan ng bottled water ni Thea at nang mahimasmasan na siya ay tinuloy na niya ang dapat niyang sabihin.


"What the fck, dude? Balak mo ba akong patayin?" galit na tanong niya kay Kerwin.


"Kulang ka pa yata sa kain e. Sigurado ka bang dapat sabihin ni Heaven kay Theo ang nararamdaman niya?"


"Hoy, anong nararamdaman? I don't feel anything for him!" deny ko pa rin kahit huling-huli na nila ako.


"Keep on denying, sister. Nobody is believing you," sabi sa akin ni Nikki. Huhuhu, they're bullying me.


"What I mean is, she should be honest with Theo. The guy changed. Believe me," sabi ni Ran.


Fallen.Where stories live. Discover now