xiv. Angel

1.7K 94 7
                                    

Naguguluhan ako.


Di ko alam kung bakit may ganoong picture si Theo pero sigurado naman akong hindi ako yon dahil buong buhay ko ay sa Palasyo ako. Kung hindi ako iyon, edi sino 'yung babae doon sa picture?


"Jael," tawag ko kay Jael nang magkita kami noong dismissal.


"Hm?" tanong niya.


"May pre-life ba ang mga guardians bago sila mapadpad sa Palasyo?"


Baka kasi ganoon ang case ko. Not that naniniwala ako na ako nga yung nasa picture ni Theo pero ang uncanny kasi ng resemblance. Imposibleng hindi ako yun.


Napansin kong saglit na natigilan si Jael sa tanong ko. Baka hindi rin niya alam.


"Ang alam ko hindi dahil lahat tayo ay galing talaga sa Palasyo," sabi niya sa akin. Tumango naman ako sa sagot niya. See? Hindi talaga pwedeng ako yung babae sa picture.


"Bakit mo natanong?" tanong ulit niya.


"Wala lang," sabi ko at naglakad na papunta sa terminal ng jeep.


Paano ko kaya kakausapin si Theo? Siguradong awkward kami mamaya dahil sa nangyari kanina.


"Samahan na kita," alok ni Jael.


"H'wag na. Kaya ko na rin naman 'to," sabi ko.


"Baka mapano ka," pagpupumilit niya. Wala naman akong magagawa kaya hinayaan ko na lang siyang sumunod sa akin. Hindi na rin kasi sumabay si Ran dahil mas pinili niyang mauna na lang.



"Oh, Heaven! Wala bang nabanggit si Theo sa iyo?" tanong ni Tita Kath nang kumatok ako sa front door nila.


"Po? Wala naman po," sabi ko.


"Wala siya ngayon. Umalis, kanina pa e. Akala ko sinabihan ka niya," sabi sa akin ni Tita.


"Ah ganon po ba? Sige po, una na lang po ako," sabi ko at tumalikod na.


I already expected this. What I didn't expect was what I was feeling at the moment. I felt hurt, a feeling guardians don't usually feel, or never actually feel. Alam kong mayroon nang mali sa sistema ko at kinakabahan na ako sa pwedeng mangyari.


"Ma, is that Heaven?" dinig kong tanong ni Thea mula sa loob ng bahay nila. Lumingon naman ako at nakita siyang naka-sweatshirt. Halata sa mukha niya ang pagkapagod. Kaya siguro siya nilagnat.


"Heaven! Come here muna, I have something to tell you," sabi ni Thea sa akin. Sinulyapan ko naman si Jael at naki-usap kung pwedeng mauna na siya sa bahay dahil baka dumami ang usapan naming dalawa ni Thea. I have many things to ask her pa naman.

Fallen.Where stories live. Discover now