CAPITULO 32

12.1K 313 92
                                    

HELLIXIR WAGON

"We meet again, My Hellixir."

Umatras ako nang umatras, "Please... don't do this!"

"Do you think you can still escape from me?!"

Malakas akong sumigaw, "Faughn! Faughn! Help!"

"Rhyle! Rhyle! RHYLE!" Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig nang malakas na sigaw.

Tumingin ako sa lalaking nakatayo sa aking harapan, nagtagpo ang aming mga mata at ang kaniyang mata ay namamaga, bumalik ako sa pagkakahiga na parang walang nangyari.

"What are you doing here?" I asked him.

"You're calling me." He replied.

Tumalikod ako mula sa kaniya at niyakap ang sarili dahil naalala ang nangyari kagabi, ang tanga ko! Hinayaan kong abusuhin niya ang kahinaan ko! Ang tanga ko!

"L-Leave me alone..." bigkas ko sa kaniya.

"But-"

"I SAID LEAVE ME ALONE!" He heavily sighed.

Narinig ko ang pag sarado ng pinto, agad kong tinabig ang kumot sa aking katawan at tumakbo tungo sa aking bathroom, inalis ko ang aking suot at nagmamadaling binuksan ang shower, inis kong kinuskos ang aking aking katawan, ang dumi dumi ko!

"Fuck! I feel disgusted!" Sigaw ko.

Paulit ulit kong kinuskos ang parte ng aking katawan kung saan ako hinalikan ni Matthew, wala akong tigil sa pagkuskos hanggang sa naramdaman ko na ang hapdi sa aking balat hanggang sa napaupo ako sa malamig na sahig habang ang tubig mula sa shower ay patuloy sa pagtulo.

"Fuck you, Rhyle! You are disgusting!" Malakas kong sigaw.

Habang yakap ang hubo't hubad kong katawan ay hindi tumitigil ang aking mga luha sa pagtulo, gusto ko lang naman kalimutan si Faughn at Izera pero bakit nagkita muli kami? Pinaglalaruan ba ako?

I just wanted to be free from everything, from my past and from pain, pero bakit ang mga ito ay kusang lumalapit sa akin?

Diring diri ako sa sarili ko na kahit ilang kuskos ang gawin ko ay nandoon padin ang dumi na iniwan ni Matthew.

Pinilit kong tumayo, kailangan kong pumasok... kailangan kong maging malakas dahil wala akong ibang makakapitan kung hindi ang sarili lang, binalot ko ang aking katawan ng bathrobe at bigla akong nakaramdam ng paghirap sa paghinga.

Nagtungo ako sa aking fridge para uminom ng tubig nang mabitawan ko ang baso at biglang natumba dahil sa biglaang pagsakit ng aking puso, literal itong kumikirot dahilan para habulin ko ang aking hininga, ang sakit sakit ng puso ko na parang pinipiga, hinahabol ko ang aking hininga habang pilit na tumatayo, I got a plastic at agad ko itong ginamit bilang alternative inhaler, wala naman akong asthma pero bakit bigla akong nakakaramdam ng kakaibang sakit sa aking dibdib na nagiging dahilan ng paghirap sa aking paghinga?

Nang unti unti akong makarecover ay agad akong nagbihis, hindi ko na pinatagal at natapos din agad ako, kinuha ko ang aking bag at susi ng aking kotse, hindi ko na rin nagawang mag makeup dahil kahit anong gawin ko ay feeling ko ang dumi dumi ko ng babae.

Nang makarating ako sa baba ay tumambad sa akin sina Faughn, Finn, Izera, Mendel, Fawzi, at Copeland, nang magawi ang tingin ko sa mukha ni Faughn ay napansin ko ang mga itim na bruises sa gilid ng kaniyang mata at labi, namumutla rin ang kaniyang mga labi at putok ang kilay.

Ang mukha naman ni Finn ay gano'n din, may pasa sa gilid ng labi. Nang makita ako ni Finn ay agad siyang tumayo at nag tungo sa akin, hinawakan niya ang aking kamay at saka lumuhod,

An Eye of the Cosa Nostra (Tres Patroncitas #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora