CAPITULO 38

16.9K 300 103
                                    

HELLIXIR WAGON

"Faughn, please... be with me, ilang araw na lang din naman ako rito sa condo mo, gusto lang naman kita makausap at makasama, pangako, titigilan na kita pagkatapos nito."

Gusto ko siyang makausap, gusto ko siyang makasama bago ko ibigay ang pirmadong divorce papers, gusto ko maramdaman niya ang pagmamahal ko kahit sa huling pagkakataon.

"Izera needs me." Bigkas niya habang inaayos ang kaniyang duffel bag.

"K-Kailangan din naman kita, Faughn.."

Napatingin siya sa akin nang mabasag ang aking boses, "Faughn, kailangan din kita... kaunting oras lang ang hinihingi ko, hayaan mo akong makasama ka kahit sa kaunting oras lang."

"Izera's pregnant, Rhyle. Sensitive ang pagbubuntis niya, mukhang malakas ka pa naman... babawi ako."

Faughn, I'm a diseased person, please be with me.

"Nagmamakaawa ako, F-Faughn..." tumulo ang aking luha habang pilit na inaabot ang kaniyang kamay.

Muli siyang tumingin sa akin at nakita ko sa kaniyang mga mata ang pag aalala, alam ko... nag aalala siya kay Izera, alam ko gusto niyang puntahan si Izera ngunit hindi niya magawa dahil nakaharang ako.

"Rhyle.."

Nagtagpo ang aming mga kamay, habang nakaupo ako ay iniluhod niya ang kaniyang isang tuhod upang magpantay kami, "What do you want to say? Go on tell me."

"Gusto kong makasama ka, kahit isang oras lang, pangako... pagkatapos no'n... hindi n-na masusundan." Umiiyak kong bigkas.

"Asawa mo ako... hindi ba pwedeng paglaanan mo man lang ako kahit ilang oras?" Dugtong ko pa.

Hinawakan niya ang aking kamay at dumaan ang lungkot sa kaniyang mata, "Sabihin mo na lahat ang gusto mong sabihin, makikinig ako."

Umupo siya sa aking tabi, habang hawak hawak ang kaniyang kamay ay tumingin ako sa kaniya, "Sa gaganaping illegal transaction, I'll be with my organization."

"Ahuh..." he nodded as a sign of agreement.

"Kapag pinirmahan ko na ang..." I squeezed his hand, "Annulment papers ay magpakasal na kayo."

His lips parted like he didn't expect that, "Para sa baby, magiging masaya ang bata kung lalaki itong buo ang pamilya."

Nagbabadyang tumulo ang luha ko ngunit pinigilan ko ito, "Nakita ko iyong kwarto ni Izera..." I smiled, "Gusto kong ibalik mo ang ngiti mo noon, gusto kitang makita na nakangiti ulit kung paano ka ngumiti kasama si Izera."

I sighed, I removed the ring from my finger, "Gusto kong... g-gusto kong itabi mo ito at ibigay kay Ely kung sakaling bumalik siya... ibigay mo ito sa kaniya tanda ng pagmamahal ko s-sa kaniya..." my lips trembled as I tell him my words, but unlike me, he has no words to speak.

Inabot ko sa kaniya ang mga liham na aking isinulat, "Basahin mo ito once na matapos na ang illegal transaction laban sa El Salvadors." Nanginginig ang kamay kong inabot sa kaniya ang mga liham.

"At huli, gusto ko na malaman mo na hindi ako nagsisisi na ako ang naging doctor mo noon, hindi ako nagsisisi na ako ang unang nahulog sa ating dalawa, hindi ako nagsisisi na sa kahit maikling oras lang ay ikaw ang nakasama ko, it was a great experience being a wife of a great, intimidating, undefeatable, and strong man like you, I didn't regret those times we spent together..." hindi ko napigilan sa pagtulo ang aking mga luha, I looked at him and he was stopping himself to do something.

"At hindi ako nagsisising minahal kita... dahil ikaw at buong buhay mo ay deserve makatanggap ng isang pagmamahal..." I stopped a bit to breathe, "'Yon nga lang ay galing sa akin ang pagmamahal, pagpasensyahan mo na, iyon lang ang kaya kong ibigay..."

An Eye of the Cosa Nostra (Tres Patroncitas #1)Where stories live. Discover now