Prologue

824 20 0
                                    

"Red lips, check! Pinkish cheeks, check! Tantalizing eyes, check! LV bag . . . check na check!"

Everette picked up her D&G sunglasses and put them on. She then examined herself in the full-length mirror for the last time and patted her cheeks to darken the natural reddish skin there before contentedly leaving her room. She's ready to face and seduce the man who treated her colder than ice.

Tila isang modelo, naglakad siya palabas ng kanilang mansion habang hawak niya sa isang kamay ang susi ng kaniyang kotse at sa kabila namaʼy ang kaniyang handbag, ang shades niyaʼy maayos pa ring nakalapat sa kaniyang mga mata, dumiretso siya sa napakalawak nilang tarangkahan upang kuhanin ang kaniyang sasakyan. Nang makarating ay agad siyang sumakay roon upang painitin ang makina.

Natanaw niya ang dalawa nilang kasambahay na nagmamadaling buksan ang malaki at mabigat nilang gate para sa paglabas niya sakay ng kaniyang kotse.

Bumusina pa siya ng tatlong beses sa mga ito bilang pamamaalam bago tuluyang makalabas ng bakuran.

She's in her best mood, sa wakas ay mayroon na naman kasi siyang dahilan upang makita ang masungit na doktor na iyon.

Ha! She's the famous Maureen Everette Vallejo and no one dares to say no to her, but that man, that cold and grumpy doctor is challenging her!

Ilang beses na ba siya nitong tinanggihan? Halos maghubad na nga siya sa harapan nito, pero wala pa ring epekto!

Kahit anong tingin ni Everette sa lalaki ay wala siyang makita ni-katiting na bakas ng pagiging isang bading, ngunit base sa ipinakikita nito ay wala man lang itong ka-inte-interest sa kaniya.

'Nakapagtataka..'

Napuno ng kakaibang kaba ang dibdib niya habang ipina-park ang kaniyang kotse sa parking space na nakalaan para sa kaniya, sa mismong tabi ng designated parking space ni Trevour.

Napangiti siya nang makitang naroon ang kotse ng lalaki, ibig sabihin ay nasa condo unit na niya ito.

Na-imagine niya na nakasuot lamang ito ng boxer shorts sa ibaba at topless. Napakagat labi siya nang pumasok sa kaniyang isipan na pawisan ito at tila kaysarap haplusin ng abs sa tiyan.

Ngunit mayamayaʼy napailing-iling na lamang siya habang pilit itinataboy sa isipan ang maruming imahinasyon na iyon. 'Kailan pa siya naging manyak?!'

Dalagang Filipina kaya siya!

Tila isang artista, bumababa sa kaniyang sasakyan ang dalaga sa sumunod na pangyayari.

Inayos niya ang kaniyang sunglasses at naglakad papunta sa elevator.

"69th floor, please," ngiti niya sa elevator man.

"Y-Yes, ma'am!" nanginginig pa ang kamay na tugon nito habang hindi maalis ang paningin sa kaniya.

Lihim namang napangisi si Everette sa sarili.

'Yeah... I'm gorgeous, right?'

Umarangkada na naman ang napakataas na level ng kumpiyansa niya sa sarili.

Sa isip niyaʼy gandang-ganda ang elevator man sa kaniya kaya naman pinanatili niya ang kaniyang postura hanggang sa tumunog ang elevator, senyales na nakarating na sila sa 69th floor.

Hinubad niya ang kaniyang shades bago nakangiting sumilip sa lalaki.

"I know how beautiful I am that's why you can't take off your eyes away from me, but you know? It's rude to stare at someone else," aniya sa kaniyang pinaamoʼt nagpapaunawang boses.

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now