Chapter 4

375 16 0
                                    

"Please, Kuya Levin, help me . . . ." panlalambing ni Everette sa kaniyang kapatid. Lumabi pa siyaʼt ipinikit-pikit ang mga mata habang nakasalumbaba sa harapan nito, ang dalawang siko niya'y nakatukod sa lamesa.

Saglit lamang siyang tinapunan ng tingin ng kapatid bago muling ibinalik sa mga papeles na nakalapag sa lamesa ang atensiyon nito. "You know that you can work here without my help, Ever. But to give you options, you have two. First, you can talk to Dad about that or second, just personally send your resume on his office tomorrow."

Napabuntong hininga siya. "You think Dad will allow me after what I have done?"

"What? Of course!" Levin chuckled. "Why? You really think that he's mad because of what you did? Hell, no! He's freaking happy and proud, Maureen Everette!" bulalas ng kapatid niya dahilan para mapanganga siya.

"He's— WHAT?!" kunot noo at hindi makapaniwalang tanong niya.

"You know how our father adores you dearly, sis!" Levin smirked.

"And your point is?"

"My point is, you don't need to worry about what you did. You are always welcome to work here."

Napalabi si Everette. "Wish me luck, then," aniya sa kapatid.

"But I'm just wondering. Why the sudden change of heart?" Pinanliitan siya nito ng mga mata.

Nagtaas siya ng noo. "Just so," pagkikibit-balikat niya.

"Hmm . . . ." tila nang-uusig at nakalolokong himig nito habang binibigyan siya ng kakaibang tingin na tila ba pinaghihinalaan siya nito sa isang bagay.

"Kuya!" angal niya sa kapatid dahilan para matawa ito.

"Just kidding. Good luck, then."

"Mauuna na nga ako!" Tumayo siya mula sa kinauupuan at naglakad palapit sa kapatid upang gawaran ito ng isang halik sa pisngi. "Bye, Kuya! Magtrabaho nang mabuti, okay?"

"Wait! Are you going to the farm again?"

"With Mom, yes. Why?" kunot-noong tanong niya.

"Hindi ka pa rin pumupunta sa rancho?" nananantiyang tanong nito.

Bumuntong hininga siya. "Alam mo naman na pinagbawalan na ako nila Daddy at Mommy na pumunta roon, kaya kahit gustuhin ko ay hindi ako makalulusot sa mga bantay na naroon."

Tumango lang si Levin. "Take care, drive safely!" tinapik siya nito sa braso bago muling itinutok ang paningin sa trabaho.

"Don't be so workaholic, Kuya! You need to unwind sometimes, kaya hindi ka nagkakaroon ng nobya, eh!" pahabol niya bago isinara ang pinto ng opisina nito.

Napabungisngis na lamang siya nang ma-imagine ang hitsura ng kapatid. Marahil ay napailing-iling na naman iyon dahil sa kakulitan niya.

NAGMAMANEHO na siya pabalik sa kanilang hacienda nang maipit si Everette sa isang trapiko. Ang dahilan niyon ay ang komosyon na natatanaw niya ilang metro lang ang layo mula sa kaniyang sasakyan.

"Ano bang nangyayari? Bakit ang daming tao banda ro'n?" tanong niya sa sarili habang pilit sinisilip mula sa bintana ng kaniyang sasakyan ang nangyayari sa hindi kalayuan.

Hindi naman sa pagiging tsismosa pero halatang nagkakagulo ang mga tao sa hindi niya pa alam na dahilan.

"Tumawag kayo ng ambulansiya!" narinig niyang sigaw ng isang babae.

Dahil doon ay agad napababa ng sasakyan si Everette at pilit nakipagsiksikan sa kumpol ng mga tao.

"Excuse me! Excuse me!" may kalakasan at paulit-ulit na sambit niya hanggang sa makita ang dahilan ng kaguluhan.

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now