Chapter 2

419 17 2
                                    

"Dahan-dahan lamang, hija . . . ." inalalayan siya ni Manang Guadalupe pababa sa kanilang hagdanan na matatagpuan sa harap ng entrada ng kanilang mansion.

Napangiti siya, she's maybe a bitch to everyone's eyes, but she has a soft heart when it comes to small people. Pinakikitunguhan niya nang maayos, tama at may paggalang ang lahat ng mga tauhan nila sa mansion man o sa kanilang hacienda. Yes, you read it right, hacienda. Doon madalas si Everette, nanonood kung paano mamitas ng mangga at kung anu-ano pang mga bungang kahoy ang mga trabahador nila roon. Lahat ay kasundo niya.

"Si Manang talaga masyado akong bine-baby," biro niya sa matandang kasambahay na siyang nag-alaga sa kanilang magkakapatid mula pagkapanganak pa lang sa kanilang panganay na si Levin.

"Sabi ko naman kasi sa iyo na napaka delikado ng ganyang sandalyas para sa 'tulad mo na sobrang gaslaw kung maglakad, baka maputol ang takong niyan," turan ng matanda habang sinisipat ang kanyang four-inches stilettos. Para sa kanya ay mababa na nga iyon dahil alam niyang pupunahin siya ng matanda, kung hindi lang ay sinuot na sana niya iyong killer heels niya.

"Sanay naman po ako, Manang Lupe." Yumakap siya sa braso ng matanda.

"Isa paʼy dahan-dahan lamang sa alak mamaya, ah. Kuh! Ang batang ito talaga ay napaka pasaway," litanya pa nito sa kaniya na lalo niyang ikinangiti.

"Si Manang talaga, hindi naman po sa club ang punta ko, eh. Pagkatapos ko pong dalhan ng foods sila Dad at Kuya ay makikipagkita ako kay Avery sa salon."

Sa totoo lang ay siya iyong tipo ng tao na bine-baby talaga ng lahat ng tao sa kanilang mansion at hacienda.

But aside from their hacienda, paminsan-minsan ay dumadalaw rin siya sa kanilang hospital kung saan nagtatrabaho bilang director ang kaniyang kuya Levin maging ang kanilang ama na siya namang tumatayong CEO. Tapos din naman siya ng kursong medisina ngunit wala pa siya sa mood para magtrabaho bilang resident doctor.

Spoiled na spoiled din kasi siya sa kaniyang magulang, idagdag pa na kakampi rin niya ang kaniyang kuya Levin at ate Everlyn.

Isa rin iyon sa dahilan kung bakit mas gusto niyang sumama sa kaniyang mommy na pumunta sa kanilang mga taniman. Kinukunsinti siya ng mga ito.

Para sa kanilaʼy masyado pa siyang bata para magtrabaho sa kanilang ospital sa edad niyang beinte-sais anyos. Bunso nga kasi kaya kahit anong gusto niyang gawin sa buhay ay magagawa niya nang walang naririnig na hindi maganda mula sa kaniyang pamilya.

Pabor iyon sa kaniya, siyempre. Pero may mga pagkakataon talaga na napapaisip siya kung tama pa ba ang mga desisyon niya sa buhay.

Hindi niya gustong maging doktor, she's into modelling and fashion like her ate Everlyn pero dahil nga bunso siya at pangarap ng kaniyang daddy na magkaroon ng babaeng anak na doctor ay napilitan siyang iyon ang tahakin na landas. Hindi niya kayang biguin ang kaniyang ama kaya nga ilang araw na rin niyang pinag-iisipan kung panahon na ba para patunayan niya ang sarili.

Her phone rang. Kinuha niya iyon sa loob ng kaniyang purse at nakitang tumatawag si Avery.

Hindi niya iyon sinagot bagkus ay nagpaalam siya kay Manang Lupe na aalis na.

Mabilis siyang nagmaneho papunta sa kanilang ospital pero hindi niya kinalimutan na dumaan muna sa isang resto para mamili ng lunch ng kaniyang kuya at daddy.

"GOOD afternoon, Doctora," bati sa kaniya ng sekyu.

"Good afternoon din, Manong Guard," ganting bati niya. Kasunod niyon ay ang pagtunog ng sirena ng kanilang mga ambulansiya at ang pagtakbo palabas ng mga doctor at nurses.

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now