Chapter 10- Rain

310 12 0
                                    

"Liar . . ." Tiningnan siya ni Trevour diretso sa kaniyang mga mata.

"Huh?" naguguluhan na tanong niya sa binata. Ang kaniyang pusoʼy tila nagririgodon na sa bilis at lakas nang pagtibok niyon.

"You, you're a liar . . . ." paglilinaw nito sa sinabi kanina ngunit hindi pa rin naging malinaw sa kaniya ang dahilan kung bakit nito nasabi iyon. Lingid sa kaniyang kaalaman na nasabi nitong siyaʼy sinungaling sapagkat sinabi niyang gusto niya ito ngunit tila nakikipagmabutihan siya sa isang piloto.

"What do you mean?" tanong niya.

Bumuntong hininga si Trevour. "Nothing," sagot nito sabay iwas ng tingin.

"Say it, Trev, how did you say that I am a liar?" pagpipilit niya.

Ayaw pa naman niya sa lahat ay iyong may sasabihin pero hindi naman nililinaw o idinidetalye. Ngunit mas nakaiinis naman 'yong may sasabihin pero hindi itutuloy o tatapusin. Ginagawa siyang manghuhula and she swear, hindi siya natatahimik at makatulog hangga't hindi niya nalalaman 'yon. She was born curious.

"Never mind," sagot nito na lalo lamang ikinataas ng lebel ng kaniyang kuryosidad.

"Wait, Trev!" habol niya sa lalaki nang mag-umpisa itong maglakad palayo dahil hindi na niya nakuha pang sumagot sa sinabi nito kanina.

"It's Doctor Trevour Zachary Castillejo. Don't be too formal with me, Doc Vallejo," malamig na sabi nito sa kaniya dahilan para mapairap siya.

"Okay, Doctor Trevour Zachary Castillejo— "

"Damn, woman!" Binasa nito ang sariling labi bago napapalunok na nag-iwas ng paningin. Napamura ito sapagkat tila musika sa kaniyang pandinig nang bigkasin ni Everette ang buong pangalan niya.

Nangunot ang noo ng dalaga dahil sa labis na pagtataka.

"What's the matter with you, Doctor Trev— "

"Nothing! And please, stay away from me!" galit na sabi nito sa kaniya.

May kung anong tila pumiga sa kaniyang puso dahil sa sinabi nito. Kailan pa siya naging maramdamin?

"You're so mean, Trevour . . . ." naghihinanakit niyang usal bago ito nilampasan at nauna nang lumabas ng ospital papunta sa parking area.

Sobrang sama ng loob niya sa binatang doktor.

Gusto lang naman niya na mapansin nito. Lahat naman ay ginagawa na niya, nagpapapansin siya at palaging nakabuntot dito, pati nga mga bagay na hindi niya na-imagine at inakala na kaya pala niyang gawin ay nagawa na niya pero wala pa rin. Para pa rin siyang basura sa harapan nito.

Pero ayaw niyang sumuko, aminin man niya o hindi, ang plano niya na akitin ito at bihagin ay nag-back fire sa kaniya.

Nahuhulog na siya kay Trevour. Hindi na siya bata para hindi mapangalanan ang mga bagong damdamin na sumisibol sa puso niya nitong mga nakaraang linggo. Gayunpamaʼy ayaw niyang aminin. Hindi niya matanggap na simula nang magkrus ang landas nilang dalawa ng lalaki ay naging talunan na siya.

She only have her confidence higher than a mountain. Bukod doon ay wala na siyang maipagmamalaki pa, iyon ang totoong tingin niya sa sarili sapagka't lahat ng mayroon siya ngayon ay hindi mapapasakaniya kung hindi dahil sa pangalan na dala-dala niya. Kung hindi siguro siya anak ng isang Vallejo, malamang ay mas lalo siyang walang maipagmamalaki sa katawan bukod sa kaniyang kagandahan.

Hindi naman puwedeng puro paganda lang siya. Kailangan din niyang patunayan hindi man sa ibang tao kundi higit sa kaniyang sarili na may kaya siyang gawin bukod sa pagiging maganda at sexy.

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Where stories live. Discover now